Manny Pacquiao, wala raw atrasan by Lolit Solis

HINDI NA AKO ako nakalabas ng bahay nu’ng nakaraang Miyerkules dahil tinutukan ko ang libing ng dating pangulo nating si Cory Aquino na inabot na ng gabi.

Hindi ko rin napigilang umiyak nang magsalita si Kris hanggang sa inilabas na ito ng simbahan.

Naku, ‘day! Mabuti na lang inabot ng hapon ang coverage ng ABS-CBN  kaya hindi tuloy naere ‘yang Wowowee at baka umangal na naman si Willie Revillame na naka-inset na naman ang coverage ng funeral procession. Di ba hari-harian talaga siya sa Dos?

Nega na naman tuloy siya sa mga tao at tinitira na naman daw sa internet dahil kalat na kalat na doon ang episode nu’ng Lunes na lumabas ang kayabangan at kabastusan niya sa Wowowee, nang pinapatanggal nito ang naka-inset na funeral procession ni Tita Cory mula La Salle hanggang Manila Cathedral.

KInagabihan, nakita pa raw itong pumunta sa burol at may mga nakakitang parang may kinakausap at nagpapaliwanag.

Pero ang lakas na talaga ng ere nitong Willie na parang siya na ang may-ari ng ABS-CBN kaya dapat namang mapagsabihan ito para hindi na siya umabuso.

Naku, ewan ko lang kung makapagpigil kami ni Joey at baka may masabi pa kami sa Startalk sa Sabado, Pero mas mabuti sigurong manahimik na lang alang-alang na lang kay TIta Cory.

NAIKUWENTO NA NOON ni DENR Secretary  Lito Atienza na kinausap niya nang masinsinan si Manny Pacquiao na pag-isipan nang mabuti ang balak nitong pagtakbo bilang congressman ng Saranggani.

Ang suggestion kasi ni Sec. Atienza, mas mabuting gumawa na lang siya gaya ng Pacman dahil nakunan na niya ito noon ng lisensya, na tumututok sa mga problema sa ating mga atleta. Bale sa sports talaga ang focus nito, dahil iyun naman ang linya ni Manny.

Malaki ang magagawa ni Manny para sa ating pangkalakasan kaya dapat dito na lang siya mag-focus at sabi nga ni Sec. Atienza, sa congress pa rin naman siya niyan at nationwide pa ang sakop nito, hindi sa Saranggani lang.

Sabi naman ni Manny, naintindihan naman daw niya ang gusto ni Sec. Atienza na ama-amain niya pero nakabitaw na raw siya ng pangako sa mga taga-Saranggani kaya tutuparin daw niya ito.

Matagal na raw nangako si Manny na tutulong siya sa mga kababayan niya sa Saranggani dahil noon pa raw niya alam kung ano ang problema sa lalawigang iyun kaya hindi na raw mababago ang desisyon niya. Desidido na raw siya sa binitawan niyang pangako at tingin naman daw niya hindi siya pababayaan ng mga taga-Saranggani.

Malapit nang magsimula ang bagong sitcom ni Manny sa GMA-7 kasama si Marian Rivera at parang naglalaro lang daw sila sa set kaya nag-e-enjoy ito.

Guest daw ni Manny dito ang nanay niyang si Mommy Dionesia na tuluy-tuloy na ang pag-aartista, ha!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

9 thoughts on “Manny Pacquiao, wala raw atrasan by Lolit Solis

  1. dapat lang bigyan ng aral yang wellie na yan,,di yata tama yong ginawa nya,,dapat kung may pagalang sya nag give way sya,,kung hindi dahil kay tita cory dimababawi ang abs-cbn,then mag e-e narte sya ng ganyan,,mabuti pang mawala na lang ang wowowie,para nman mabawasan ang kayabangan pati mga dancer nya halos makita na ang mga nakatago nila.

  2. Dapat lang na pangaralan si willie…nagiging mayabang na siya! Dapat igalang niya lahat ng tao mapa mahirap man or mayaman kahit sino pa. Wag siyang bastos, palibhasa wala siyang pinag aralan wala siyang breeding.

  3. pacquiao is gay… lolit is a shame old woman…
    pacquiao dont talk in english please cuz you annoyed me bitch.
    lolit dont talk lies stuff and cuz ur a lier..
    joey dont make any story against willie ur delerapis …
    and people that talking shit on willie are just hyprocrites and retarded if you know wanna mean…….

    pacquiao loser, scared to fight mosley and marquez, so shut your pile hole know wat i mean ese…..
    viva laraza ………..

  4. you know what people are just very jealous of willie like joey de lerapis and vic shito they just want to be prop up their show eat busuckga…

  5. Si Willie naman talaga na ang me ari ng ABS CBN. Kasi si Charo Santos at Gabby Lopez, kung kausapin lang ni Willie ay parang tauhan lang niya. BOW ng BOWOWOW LANG naman ang dalawang bagong alipin ni Willie. Bakit kaya hindi na lang gawin ni Willie na co host din niya sa show niya si Charo Sanos at nang mapasayaw at mapakendeng din niya ito.

  6. Ayyy…hindi ninyo ba nakikita kung paano bastusin ni Willie ang mga contestants, ang mga staff, ang mga dancers? Hindi ka ba nabibingi sa sigawan nina mariel, Pokwang at RR?HIndi ba ninyo napapansin ang pag tsansing si Willie sa mga magagandang babae sa show kahit contestants?

  7. I am not a fan of Willie R. but you are over-reacting! Maintindihan yon ng mga Aquino family as Mr. Revillame always give them respect and admiration. I remember, when Joshua was in the show, very ovbious kung paano pahalagahan ni Willie ang batang ito. Alam niyo, i’m a TFC subscriber, at ang crab mentality ang umiiral sa kapwa natin because of the success of Mr. Revillame! I watched the show and very no malice intended on the side of Willie! The show must go on!!
    phil

    • siempre pahahalagahan si joshua, eh anak ni Kris yun eh! kita mo ba kung pano nya ipahiya ang ibang mahihirap na contestants? kahit nga staff nya di nya nirerespeto.. hello…

Leave a Reply

Your email address will not be published.