Manny Pacquiao to face off Willie Revillame’s show

 

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Alam kong maraming nakakakilala, lalo na ‘yung mga biyenan, sa game show na Kuwarta o Kahon. Nakita ng aking mga kaibigan na si Direk Bing Santos at dating Vice Mayor ng Marikina na si Sonny Parson (nagpasikat ng grupong Hagibis) na nagwawalis na lang sa kalsada sa bandang Timog at Morato, at minsang nagho-host ng mga pa-Bingo Sosyal, ang payat na si Pepe Pimentel na kalbo na rin at wala nang ngipin.

Naitanong nila kung bakit ginagawa nito ang pagwawalis. Ang sagot ng dating barangay captain na si Pepe Pimentel, ipinagpa-patuloy lang daw niya ang kanyang public service. Hindi niya siguro matanggap na natalo siya, at sa tingin ko, sanhi ito ng depression.

Kaya lumapit ang grupo ni Sonny sa pilantropong si Engr. Bing Publiko, dahil ito ang napakada-ling lapitan ng mga artista. Para itong pumalit kay FPJ nu’ng na-bubuhay pa ito. Kaya nag-put-up ang kanyang foundation ng isang concert sa Metro Bar sa July 31, at ito ay libre. Ang malilikom nito sa pamamagitan ng sponsor ay ibabahagi kay Pepe Pimentel.

Mapalad tayo na may isang grupo, tulad ng kay Engr. Bing Publiko, na matulungin. At pagkatapos ng tribute kay Pepe, gagawa sila ng pelikula. At take note, hindi indie film, at balak nilang kunin si Maricel Soriano, at ang magdidirek ay si Bing Santos. Siyempre pa, kasama ang inyong lingkod.

Paging MARICEL SORIANO!

 

DUMAKO NAMAN TAYO kay Cong. Manny Pacquiao na talaga namang tatapatan ang game show ni Willie Revillame tuwing Sabado. ‘Di ba, mag-BFF ang dalawang ‘yan?!

AT heto pa, mamimigay rin siya ng house and lot, tulad nga ng ginagawa ni Willie, at pagkakataon na nga ni Manny na i-share ang mga biyaya niya, kung sa kanya nga talaga manggagaling…. Pak!

 

AT ANO NAMAN kaya ang eksena kay Kuya Boy Abunda? Marami kasi ang nagtataasan ng kilay na sabi niya ay wala siyang balak tumakbo sa pulitika. May bali-balita kasing tatakbo itong governor ng Samar.

Pero in fairness naman dito, keri lang naman dahil alam kong may ‘k’ naman siya, dahil nakikita ko naman noon pa na mahilig itong tumulong, lalo na sa mga kabataan. Dahil sa akin pa siya mismo umo-order para maipakain lang niya sa mga walang makain na mga bata…. Pak! Hahaha!

 

Kaya kung ako sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

16 thoughts on “Manny Pacquiao to face off Willie Revillame’s show

  1. Si Willie namimigaay ng pera, may show everyday.Pero si Manny every saturday. Mas hanga ako kay Willie, ayaw niya ang politics si Manny may balak magkandidato sa pag ka Presidente sa next presidential election. now sino ang may motive sa dalawa.
    Si Willie heto na ang buhay niya tumulong, he might not be perfect and who’s perfect anyway? but I like him, helping without condition. period.

  2. Manny —Suportahan taka!

    Panalo ka sa boxing at marami kang pinataob, mapataob mo kaya si Willie Revillame? O baka this time, dito ka matalo! (Biro lang, Goodluck sa show mo) Matira matibay :)

  3. sabi ni mercy wala raw syang galit sa tao at nanonood siya sa gma, dos at tv5. O eh, bakit lagi mong sinisisi na taga dos ang mga nagku-comment against willie? You just contradicted yourself. lol!

  4. maganda yan at marami na ang mamimigay ng premyo. sana dumami pa ang mga show na tulad ng kina willie at manny.

  5. @mercy, tanong ko lang sa yo, bakit bukang-bibig mo ay taga dos ung laging tumitira kay willie? Don’t forget that he was the one who started the whole thing coz of his arrogance and rudeness, that’s why he earned a lot of enemies. I used to like willie but not anymore due to reasons i mentioned above. In short, he’s a big jerk! KUHA MO?

  6. oo nga jonathan hanggang ngayon galit na galit sila kay wil baka iyong iba nagkasakit na,gaya ng stress depress at tanim sa puso wawa naman kyo kasi tanggalin na ninyo ang galit marami namang paraan para kumita ng pera ndi kyo kikita ng pera kahit anong paninira kay wil..nahahalata kyo kundi solid sa dos nagwowork sa dos dba?ako wlang galit sa tao nanonood ako sa dos sa gna at sa kapatid tv5 kung saan ako maligaya doon ako nanonood at least ndi ako nagmumukhang matanda gaya ng iba dyan..magbago na iyong mga taong may galit sa puso kyo rin kung nagpapansin kyo tumalon na lang kyo sa building cgurdo sisikat ka at mapapansin…

  7. mas lalo nyung tinitira si willie eh lalong dumadami ang mga sponsors at suporters nang show nya. paki tseck nyo lang para makita nyo na bumalik na halos lahat nang mga sponsors nya. good luck kay cong. manny, sana marami kang matulugan san show mo.

  8. taka naman ako sa inyo bakit ba galit na galit kayo kay willie talaga bang nakatanim na sa puso nyo ang inggit hayaan na ninyo kung ano meron si willie dahil kapalaran nya yan magsikap din kayo para umasenso huwag mag down ng kapwa hwag na lang kyo manood ng show nya kung ayaw nyo sa kanya tumulong din kayo sa kapwa nyo ng makilala din kayo kanya kanya talaga kapalaran tayo may yumayaman at may mas lalo naghihirap pero patuloy pa rin magsikap para sa kinabukasan

  9. parang si nora aunor itong si boy abunda parehong baguhan pero mataas na kaagad ang sinabak na posisyon ang maging GOBERNADOR/GOVERNADORA tapos siguro susunod CONGRESSMAN/CONGRESSWOMAN.ginagamit ang pagiging artista para sa mas mataas na posisyon. tapos yun naman mga tanga boboto naman dahil artista kahit walang masyadong experience na maglingkod sa bayan.

  10. mabait kasi si Amy Perez, di plastic. sana mabuo ulit sila ni Rhoda Paulate. GOODLUCK PACMAN! ikaw magpapataob kay willie na walang modo! si ruffa na mukhang lalaki, si gaymong gaytierrez at willie mag host ng isang show….sa coastal LIVE via alingasaw ng baho nilang tatlo! isama pa si anabil na sobra yabang. bold starlet lang naman nung panahon nya. di pa sumikat! litse!!!

  11. naku, wala na rin naman pumapansin sa show nung arrogant host , laos na siya tulad nila ruffa at ibang talents ng TV5, si Amy Perez na lng ang sikat duon ha ha ha, wag mo na sayangin ang pera mo manny na pabagsakin pa ang isang show na bagsak na talaga at pilit na lng binubuhay para lng hindi mapahiya

  12. SYA MANNY PABAGSAKIN MO ANG SHOW NI WILLIE!!! TUWA KO LANG PAG NANGYARI YAN!!! SA GMA 7 BA ITO?? ABA KAHIT KAPAMILYA AKO, PANONOORIN KO, SUSUSPORTAHAN KO ANG KAPUSO MAPABAGSAK LANG ANG HAMBOG NA YAN!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.