Manny Pacquiao, tiniris si Cotto! – Cristy Fermin

NAGTAGUMPAY SINA JENNYLYN Mercado at Becky Aguila na maipakulong si Mel Pulmano, dating PA ng dalawa. Daang libong piso raw ang natangay ni Mel mula sa aktres at sa manager.

Pero nabigo si Becky Aguila na mabawi ang 2.5 million pesos na tinangay sa kanya ng isang Budol-Budol Gang. Hindi rin niya nakasuhan ang mga ito dahil peke lang daw naman ang mga ginagamit na pangalan. Nakapagpiyansa ang mga nahuling miyembro ng grupo nang masukol ng mga pulis-San Juan.

Naturingang matalino si Becky na sa kanyang mga interview ay pa-Ingles-Ingles pa, pero napaniwala siya ng mga taong nu’n lang niya nakilala. Natangayan siya ng milyong halaga nang walang kalaban-laban.

Dati’y hindi naniniwala si Becky sa hipnotismo, pero ngayon, ‘yun ang itinuturo niyang dahilan kung bakit siya parang naging robot na sunud-sunuran na lang. Kusang-loob pa siyang nagbigay ng malaking halagang ni hindi nga niya naiintindihan ang negosyong inialok sa kanya.

“Maayos silang kausap, mga professionals sila, you will never doubt their capacity dahil meron pa silang mga documents at pictures ng mga negosyo raw nila.

“Dalawang grupo ang nag-post na interested buyers ng property ko, pareho ko naman silang in-entertain, pero wala akong kaalam-alam na magkakuntsaba pala sila para lokohin ako.

“It was not an overnight transaction, one month tumagal ang pag-uusap namin, magbabayaran na kami nu’ng Japanese para sa property ko nu’ng sabihin niya sa akin ang kailangan niya para sa pearl farm niya sa Palawan.

“Maliliit daw ang mga napo-produce nilang Mikimoto pearls, kaya kailangan nila ng pearl growth enhancer, kapag hindi raw siya nakakuha nu’n, baka magsarado ang company nila na may 280 people.

“Nakakaawa raw naman ang mga tauhan niya kung magsasara sila, in need daw talaga ng product na ‘yun para malalaking pearls na ang mai-produce. ‘Yun namang second group na ka-transaction ko, meron daw silang alam na mapagkukunan, pero kaliwaan, so sinabi ko naman ‘yun sa Japanese.

“Nagpaalam siya na pupunta muna sa Davao para asikasuhin ang chromite business daw niya. Nu’n namang dumating ang stocks ng pearl growth enhancer from the second group, kaya with the promises na kukunin ng Hapon ‘yung mga products, ako ang nag-abono ng pambayad.

“Grabe, September 22, 500 thousand ang ibinigay ko. The next day, kasama pang nag-withdraw nu’ng tao ang driver at staff ko, two million pesos naman,” napapailing na lang ang manager sa kanyang napasukang indulto.

TULAD NG INAASAHAN, pinagapang na parang bata ni Manny Pacquiao si Miguel Cotto sa lona kahapon sa kanilang pagduduop. Gusto pa sanang ipatapos kay Pacman ng mga miron ang panghuling round, pero naawa na ang referee sa Puerto Rican, dahil sarado na ang magkabilang mata nito sa lahat ng mga suntok na iniregalo sa kanya ni Manny.

Mabagsik talaga ang mga kamao ni Manny. Para magsarado ang mga mata ng kanyang kalaban ay nangangahulugan lang na ganu’n katindi ang kanyang mga suntok. Nakakaawang tingnan ang anak na lalaki ni Cotto habang pinagmamasdan nito ang burog-burog na mukha ng kanyang ama.

At ang markadong katangian ng pagiging mapagkumbaba ng Pambansang Kamao ay muling lumutang. Bago at matapos ang kanyang laban ay pagdarasal muna ang kanyang inuuna. Wala siyang kayabang-yabang at kailanman ay hindi niya ipinagmalaki ang kanyang kakayahan bilang boksingero.

Mula sa Las Vegas, nakuha namin ang mensaheng ito, “Sa Bellagio Hotel naka-check-in ang buong pamilya ni Krista Ranillo, nagkita sila ni Jinkee sa Wynn Hotel, pero wala namang nangyaring eskandalo. Edukada si Jinkee, alam niya naman kasi kung saan siya nakapuwesto sa buhay ni Manny.

“In short, hindi siya squatter, siya ang mayhawak ng puso ni Pacman,” kumpletong mensahe ng aming kaibigang nasa Las Vegas.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

28 thoughts on “Manny Pacquiao, tiniris si Cotto! – Cristy Fermin

    • BHAKKKET??? AS LONG AS MAGSISI SIYA AT ITULOY NYA MABUTI GAWA,, PWEDE UN.. LETS EXAMPLE SAINTMAGDALLINE… DID U KNOW HER??? U ANG WALANG YUTAK……..

    • HAHAHAHA!!! Si Manny kaya nagdadasal yan eh para humingi ng tawad sa nagawa nyang kasalanan kay Jinkee dahil nga nagdate si Krista at Manny sa Hong Kong! Ang mali lang nilang dalawa bakit sa HK? Eh isang katutak na atchay ang naandoon eh kala nila tikom na ang mga bibig noon at makikitid ang utak… ang di kasi nila alam na madaming tsismosa doon sa HK! =)) Para naman kay PACMAN gusto dito ka sa place ko magbakasyo wala kang madidinig na tsismis 200% dito lang naman ako sa South East. Payo ko lang kay PACMAN kung gagawa ka ng himala ako ang kontakin mo! Post ka lang dito PACMAN at ibigay ko sa iyo ang email ko. Patikim naman kay Krista! Rolf!

  1. naku ,mka lait nman kay krista kala mo natikman nila ,or inggit lng kyo bka pati mga dyowa nyo pinagpantasya si krista ,,,,,,,,,,,,,,mag trabaho na nga lang kyo mga echosera

  2. LONG TIME AGO, HE CONQUERED THE ASIAN BOXERS…NEXT WAS BEING CALLED AS “MEXICUTIONER”. CURRENTLY, THEY CALLED HIM PUERTORICOTIONER….NEXT YEAR HE WILL BE ” U.S.Ationer” ……VIA FLOOYDIE MAY-WEDER…. gogogo todo na to MANNY .. PAWKAWIN MO LAHAT NG DOLYARES MONEY NILA…. SHOW THEM FILIPINO IS THE GREATEST…UR TRULY THE SELECTED ONE WHO. NO ONE WILL LIVE LIKE YOU UNTIL THE NEXT MILLION YEARS…

  3. PWEDE NA BA IHAYAG AT I-INDUCT SI MANNY AS “BOXER SAINT”???? PARANG WALA PANG GANON DI BA?? SANA MA-APPROVE YUN.. WAG NA LANG SIYA MAG -PALETIKS, MARUMI DON SA CUNGRESH… MAG-SAINT NA LANG SIYA…LETS GO SAINT MANNY…

    • ganyan na ba tayo kabobo, konting kasikatan lang gagawin na kung ano ano. saint?

      hindi pa natatapos ang hysteria kay corykong mahal ayan nanaman.

      baka di magtagal may magsasabing diyos na si manny. tumigil kayo sa mga kahibangan nyo

      • ELOW…….yOU CALED IT “KONTING” KASIKATAN “LANG”…????? ANO SA TINGIN MO OR ANO PA BA ANG KELANGAN GAW-IN NI SAINT MANNY PARA MATAWAG OR MA-CONSIDER MONG “MALAKING KASIKATAN”??? PLEASE APPRECIATE NAMAN GINAWA NG TAO BRINGING UP OUR LUGMOK NA LUGMOK NA PHINOY RACE…..

      • agree ako ka Tarkan.. as in saint talaga?? ok ka lang ba?? oo malaki ang kasikatan ni manny pero saint? never! nahihibang ka na talaga..kawawa naman..

      • mmm. teka nga.. parang may point din.. why not?? is that bid objectionable if he will be elevated and proclaimed as saint for the boxers?? he showed being thankful by praying before and after the fight sincerly. all of us is not perfect. even magdaline became one.. why instead to support him in congress, lets support him being saint.? can anyone initiate it formally?

  4. Si Jinky educada? Cristy kinakarma lang siya kasi ayaw niyang suportahan ni Pacquiao ang anak nya sa labas. Mas marami pang sama ng loob yan. Besides, di hamak na mas maganda si Krista… e si Jinky despite the cosmetic surgeries, mukhang bakla pa rin.

    • but u cant deny d fact na c jinky ang 1 sa mga susi kung bkit asensado na c manny…jinky knows how 2 handle money…..hindi man nkpagtpos(kung????) but wen it comes 2 money she knows how 2 handle it w/care. nd i think she rily loves manny…..as a wife..kht suma2 p c manny sa kabit nya(kung to2o) c manny prin ang talunan.

  5. cristy,ingitera ka talaga sa kapwa mo.kaya bad things happen to you.One of the deadly sins is ENVY. Pangit ka na, pangit pa ugali mo. And you find pleasure in other people’s misfortune – Schadenfreude.(Tama ba spelling ko?).You are a very pathetic and miserable person.Get a life & real job.

  6. Cristy Fermin, pwede kang umutang kay Pacman ng pambayad mo sa mga utang mo at sa mga kaso mo dyan sa pinas =)) Si Krista Ranillo peperahan lang nyan si Pacman bwahahahaha… Edukada si Jinkee? Bwahahahaha WTF you’re talking about Cristy Fermin? You’re such an IDIOT! bwahahahahaha napaghahalata kang mangungutang kay Jinkee nyan! bwahahahahaha

  7. Magsama kayo ng barkada mong kalbo na si VICTOR DE LEON LIMA na PALAMUNIN ng kung sino sinog pulitiko. Di ba kayo nagtataka kada laban ni MANNY andon yun, eh magkano lang ang sweldo sa radyo non. ISA SA MGA NAKASAHOD kay PACMAN at kung kanikanino pa.

    BAYARAN KAYONG MGA TAGA DZMM!
    PWEH! TANGNA NYONG LHAT!

  8. FUCK YOU Cristinellie Fermin inggit ka lang kay Becky Aguila kung nag-e-english sya, bagay naman sa kanya eh IKAW TRYING HARD. SIPSIPIN mo BUTO ni Manny Pacquiao para mabigyan ka rin nya ng milyon. Pangit ka. Wala kang kredibilidad BAYARAN.

  9. CONGRATZ MANNY…TANTANAN NYO INTRIGA KAY IDOL ABOUT GURLZ…. IF TRUE, MASAMA BA? HE CAN HAVE IT EVEN HUNDREDS AND HUNDREDS GURLZ.. HE CAN AFFORD. ITS HES PERSONAL LIFE NA.. KAU NGA MAG-TRAINING NG PAGKAHIRAP-HIRAP.. WE JUST APPRECIATE UNG PAG-AANGAT NYA NG FILIPININ RACE SA OVER-ALL WOORLD EARTH..

    • oo naman tantanan nyo na si packyut he is our national pride.. wag na lang nating intindihin yung mga kaimoralang pinaggagawa nya. sikat may pera madaling gamiting panakip.

      masayang masaya ngayon si krista may tumataginting na $2 Million sya. ang mahal namang bilasang isdang tilapya na yan.

    • goodluck sa personal life mo talaga!!!sana maranasan mo yan para masabi mong at least may nagagawa para sa bansa ang asawa mo kahit na bugbog na bugbog ka na sa sama ng loob…at least may nagawa sya sa bansa at sayo wala bwahahahahahhahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.