Manny Pacquiao, tinatanggihang makalaban si Juan Manuel Marquez?! – Cristy Fermin

KUNDI MO KILALA si Mommy Dionesia Pacquiao, iisipin mong may kakaiba siyang sapi kapag ginaganap ang pakikipagsalpukan ng kanyang anak na Pambansang Kamao. Hindi siya nanonood ng laban, naiiwan lang siya sa hotel, dasal lang siya nang dasal. At ang paraan ng pagdarasal ni Nanay Dionesia ay parang ritwal, kulang na lang na himatayin siya sa harap ng altar. Talagang dinidibdib niya ang panghihingi ng tulong sa Diyos kapag nakapagitna na sa laban ang kanyang anak na si Pacman. Humihinto lang siya sa pagdarasal kapag may tumatawag na sa kanya na tagumpay si Manny. Pero may karugtong na bawi ‘yun. Bigla siyang luluhod uli para panalangin naman ng pasasalamat ang ialay niya sa Panginoon. Ang pagiging relihiyoso ni Manny Pacquiao ay namana nito kay Nanay Dionesia. Nu’ng bata pa si Manny ay ito ang namumuno tuwing alas-sais nang gabi sa kanilang Angelus. Sa kanyang batang edad ay kabisado na ni Pacman ang mga dasal. Si Manny lang ang boksingersong kilalang-kilala sa buong mundo sa kanyang katangian ng pagdarasal bago at matapos ang kanyang laban. ‘Yun ang mas nagpalapit sa kanya sa buhay ng mga Pinoy, hindi sinasarili ng Pambansang Kamao ang kapasidad at kagitingan nito sa pakikipag-upakan. Pagkatapos ng laban, sinundo ng grupo ni Imelda Papin si Nanay Dionesia, nagpunta sila sa isang recording studio, kinanta nila ang makasaysayang piyesa ni Imelda na ‘Bakit?.’ Mag-ina nga sina Nanay Dionesia at Pacman. Nu’ng bagu-bago pa lang na gumagamit ng iPod si Manny ay puro kanta nina Imelda Papin, Victor Wood, Rey Valera, Sharon Cuneta, Eva Eugenio, April “Boy” Regino at iba pang local singers ang madalas nitong pakinggan. Maglalabas ng album si Imelda Papin na si Nanay Dionesia ang guest singer. Sa concert nito sa Disyembre ay panauhin din si Nanay Dionesia. Ang nanay ng Pambansang Kamao ay isa na ngang recording artist ngayon. BAGO GINANAP ANG misa ng pasasalamat para sa tagumpay ni Pacman sa Mandalay Bay Hotel, ipina-check-up muna niya ang namuong dugo sa kanyang kanang tenga na naging resulta ng mga left hook ni Cotto. Tinanggal agad ang namuong dugo, hindi naman delikado ang tinamo niyang hematoma. Pero mas maganda nang alisin agad ‘yun dahil kung hindi ay magmumukhang cauliflower ang kanyang tenga. Nasa Los Angeles na ngayon ang Team Pacquiao. Nakatakda siyang magpunta sa Wild Card Gym para magpasalamat sa mga naging sparring partners niya du’n nu’ng kanyang ensayo. Du’n na rin niya pagbibigyan ang mga kababayan nating matagal nang gustong magpapirma at magpalitrato sa tabi niya. Pinagkakatiwalaan ni Pacman ang Top Rank Promotions ni Bob Arum, kung sinuman daw ang gusto nitong kalabanin niya sa susunod ay paghahandaan na niya ‘yun. Sa tanong kung sino kina Juan Manuel Marquez at Floyd Mayweather, Jr. ang gusto niyang makaharap sa susunod ay meron siyang opinyon. Sabi ni Manny, “Kung kami ni Marquez ang maglalaban, parang wala nang manonood nu’n, kasi, tinalo na siya ni Mayweather, e. Bahala na si Bob Arum kung sino ang kasunod kong makakalaban, paghahandaan na lang namin ‘yun,” pahayag ng Pambansang Kamao. “Master” na kung tawagin niya ngayon si Coach Freddie Roach, ang itinuturing niyang tatay sa mundo ng boxing. Pinasasalamatan niya ang magaling niyang trainer na puro ang kapakanan niya ang inaalala. Nu’ng minsang kumakain kami pagkatapos ng matagumpay niyang laban kay Erik Morales ay natawa kami. Kinalabit pa kami ni Pacman, akala nami’y kung ano na ang kanyang problema, pero napakasimple lang ng kanyang sinabi. “Bakit ganu’n ang pangalan ng mga Mexicano at Puerto Rican, pare-pareho, nakaka-confuse, Puro Juan, puro Miguel, pare-pareho ang pangalan nila, e, ang dami-dami naman nilang pagpipilian!” Problema ni Pacman. Ha! Ha! Ha! Ha! Oo nga naman. Cristy Per Minute by Cristy Fermin

Related Post

loading...

7 thoughts on “Manny Pacquiao, tinatanggihang makalaban si Juan Manuel Marquez?! – Cristy Fermin

  1. OO NGA,, MANNY P TO BE INDUCTED AS “NATIONAL HERO OF THE NEW MELENYOUM TILL D NEX MORE HUNDRED DECADES”… CYA NA PINAKA-MAKULAY ANG BUHAY NA BAYANI KUNG ISUSULAT ANG TALAMBUHAY NYA NGAYON…DALAWA LNG CGRO ANDAPAT NYA GAW-EN, KUNG TLGA DI NYA PIGIL INIT LAMAN, DAGDAGAN NYA PA CHICK KAHIT HOLLYWOD GURLZ, OR MAG-ABSTAIN NA SIYA AT POKUS N LNG JINGKY.. MASYADO KASI BINIGLA NI MANNY SAMBAYANANG PINOY,, PERO OK LNAG YAN MANNY, GANYAN NMN TAU PHINOY SA UNA LNAG YAN., PERO AFTER MTANGGAP NTN NA TLAGA LAPITIN KA NG BEBHOT..OK, N YON. TRADITION N NATIN ANG PAGIGING “MACHU”… OR ELSE PG-WALA KA BEBOT BKA SBIHIN NMN “GAY U”…..KAYA GO KA LNG SA PERSONAL MONG BUHAY… GOODLUCK SA 2010 SA POLITIC MUCH MORE SA BOXING/MOVIE.. WHY NOT INVADE THE HOLLYWOOD??? GUD IDEA? BESIDES U R SUPERSTAR BIGGER THAN THE SUN…

  2. manny, ikaw ngayon ay kinikilalang bayani ng ating bansang pilipinas wag mong sayangin ang karangalan na yan dahil lang sa isang krista ranillo.

  3. aba cristy nahahalatang gusto mo kumapit kay pacman, dahil ba alam mong pagkakakitaan mo si manny?…hehehe…hinay hinay sa papuri…halatang may gusto kang hingin..hehehe

    • AKALA KO NGA NOBELA NA ANG BINABASA KO,,,, ANG HABA AT DAMI NG TOPIC ALL REGARDING TO MONEY PAKYAW….MISS KO NA RIN UNG MGA ARTICLE KAY PAPI WEYLEI..

Leave a Reply

Your email address will not be published.