Parazzi Chikka: Manny Pacquiao, sakit sa ulo ng Coach?!

Sakit na nga ba sa ulo ang Pambansang Kamao ng Pilipinas?!

May nakarating kasi sa aming balita na tila wala na ‘atang plano si Manny na mag-ensayo sa nalalapit na laban niya. Tulirong-tuliro na raw ang kanyang ever-supportive na coach na si Freddie Roach. Marami rin daw problemang ikinakaharap ngayon ang Team Pacquiao dahil sa sobrang hectic na iskedyul ng ating boksingero. Ganun?!

Mukhang happy naman si Pacman sa kanyang karera sa showbiz ngayon. Balitang patok sa masa ang Show Me The Manny nila ni Marian Rivera at nagpa-lechon pa ‘to! Ngayong buwan na rin ipapalabas ang pelikula niyang Ang Pangarap Kong Jackpot, kung saan pinuri siya ni Carlo Caparas bilang isang drama actor. Inihahanda na rin niya ang pelikulang Whapacman na kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Teka teka… Hindi kaya masyado nang nag-eenjoy si Manny sa kanyang showbiz commitments at nakakalimutan na niya ang pagboboksing? Manny, Show us the answer!

By Mica Rodriguez

Photos By Allan Sancon

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.