Manny Pacquiao, sabay na binilhan ng mamahaling alahas sina Jinkee at Krista Ranillo?!

Nabulabog ang production ng Wowowee sa araw ng birthday ni Willie Revillame. Why, oh why naman?

Dahil may isang mayamang balikbayan ang ded na ded sa isang female co-host ni Papi. At dahil ded na ded sa girlet na ‘yon ang Noypi na balikbayan, e, binigyan niya ng isang Japanese Doll ang seksi, matangkad, maganda at magaling gumiling na co-host ni Papi.

Ganu’n lang ba ang nangyari? Hindi, ‘no!

Dahil ang Japanese doll na ibinigay ng balikbayan Noypi, e, may lamang kadatungan, as in, one hundred thousand pesoses in cold cash na nakabalot pa ‘yata sa gift wrapper.

Op kors, na-shock ang girlet dahil kitang-kits ng kanyang mga kasamahan sa Wowowee na may cold cash sa loob ng Japanese doll na parang wala lang kaya marami tuloy ang napatitig sa seksing co-host na ito.

Ang ending, hinanap ng girlet ang nagbigay ng Japanese doll at kinumpronta kung bakit nagbigay ito ng malaking cash nang wala namang raket, in front of the kabadingan sa production staff.

“Wala lang. Suporta lang sa career mo,” ang maginoong sagot ng balikbayan. Ganu’n?

Aba, marami kasi ang ibig sabihin ng pagbibigay niya ng malaking halaga nang wala namang raket, huh! Binibili nga ba ng balikbayan na ito ang pag-ibig ng girl na ito? Or baka naman napagkamalan lang ng balikbayan na ito na alkansiya ang Japanese doll? AR-AR-AR-AR! Halakhak po ‘yan. Getz?!

NAKU, NAKU, NAKU! Siguradong may pagpipistahan na naman ang mga usis, as in usiseras, na mahilig sa Manny and Jinkee Pacquiao plus Krista Ranillo issues.

Heto na. Pinagmamalaki ng isang talent manager na nagpabili raw ng dalawang set ng alahas si Pacman sa kanya.

‘Yung isang set, nagkakahalaga ng P2.8M at ‘yung isang set naman, P2.5M.

Siyempre naman, hindi biro ang halaga nu’n kaya nagkumahog ang talent manager at ibinigay agad ang order. Take note dahil cash daw ang ibinayad ng tao ni Pacman sa naturang manager kaya ibinigay niya agad ang dalawang kumikinang at mamahaling mga alahas.

Ngayon, ang tanong. Ibinigay ba ni Pacman ang dalawang alahas na ‘yon lahat kay Jinkee? Or binigyan niya si Jinkee at si Mommy Dionesia? Or para kay Jinkee at Krista ang dalawang set ng alahas na ‘yon?

At kung true na kay Jinkee at Krista ang mga alahas, kanino napunta ang alahas na P2.8M at kanino naman ang alahas na P2.5M?

Naku, kailangang maimbestigahan ang kontrobersiyal na talent manager na nagbenta ng alahas na ‘yon. Pero bago ang lahat, balato naman Mr. Talent Manager.

IN CASE NA hindi alam ng mga loyalists ng Daisy Siyete, 12 years old na po ang napagkakamalang 8-9 year old na batang actor na si Julian Trono.

Maliit lang tingnan si Julian pero 12 year-old na po siya.

Siguro, mahilig lang talaga siyang sumayaw, mag-tumbling, mag-strut at mag-break dance sa kanyang mga steps kaya hindi siya masyadong tumataas. Idagdag pa du’n na muntik na raw siyang tumilapon noon sa floor nang nagkamali siya ng tumbling sa isa sa kanyang mga production numbers.

Regular siyang napapanood sa “Bebe and Me” at kapansin-pansin ang nag-iisang pimple sa kanyang pisngi.

Now, we wonder, dahil kaya ‘yon sa mga tsiks na lagi niyang nakakasama sa taping? Nagkaka-crush na ba si kuya? Uy, nagdadalaga na, este, nagbibinata na si Julian. Hmmm…

For reactions, please e mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

13 thoughts on “Manny Pacquiao, sabay na binilhan ng mamahaling alahas sina Jinkee at Krista Ranillo?!

  1. natural yung 2.8M kay kreestal at yung 2.5M kay jeenkeelou at ang palusut ni jeenkeelou ay marami naman syang alahas he he he..

    kahit naman ako dapat yung 2.8M kay kreestal dahil asawa ko na si jeenkeelou at napag sawaan na he he he.. nandiyan naman si derek ha ha ha

    • Naku…ka suwerte naman ni RR Enriquez! Eh libre lang ang tsuktsuk diyan pag LASING IYAN. Madalas nakakalat iyan at maraming nalilibre na mhin sa kanya.

      • kaso me clue na AR-AR-AR-AR! Halakhak po ‘yan. Getz?!

        Kaya si RR Enriquez iyon. Kung si Valerie..aba..maganda naman talaga ang batang iyan at hindi pokpok. Me anak nga pero hindi masyadong bilasa iyan.

      • MAREIL- REIL-RIEL- RRR……RRRR—REVILLAME…….CONFUSE NA AKO,,,,,CNO BA TALGA……???? HILO NA ULO KO

      • Huh? Si RR isang linggo wala sa show? baka sumama doon sa matandang mayaman na nagbigay ng P100T . Depende kung hanggang kelan siya wala sa show. .. yung ang tagal ng isangdaang libo. He he he.

Leave a Reply

Your email address will not be published.