Manny Pacquiao, niloko ng publisher ng isang magazine?!- Joey Sarmiento

HALA! HINAHANAP DAW ngayon ng grupo ni Manny Pacquiao ang producer ng pelikulang Banal na si Ina Alegre. Siya rin kasi ang publisher ng isang magazine na lumalabas once every three months.

Ganito raw kasi ang kuwento. Nakiusap daw nang todo si Ina kay Pacman na kung puwedeng suportahan ang kanyang magazine financially kapalit nang pag-cover sa Pambansang Kamao. May ilan din daw silang pinag-usapan na dapat, e, isinama sa istorya sa inside pages.

Nu’ng December pa raw ito dapat lumabas pero hindi raw makita ni Pacman at ng kanyang mga kaibigan ang magazine. Hinalughog na raw nila ang lahat ng book store sa Maynila pero wala silang makita.

Hindi naman daw nanghihinayang si Pacman sa perang kanyang inilabas pero hindi lang daw nila akalain na “masi-sweet talk” sila ni Ina nang ganu’n-ganu’n lang.

“Tatakbo pa naman siya on a government position sa Mindoro tapos, parang niloko pa kami,” sabi pa ng isang kagrupo ni Pacman sa Team Pacquiao. Kasi naman…

MARAMI RAW ANG napa-weeeh sa live audience ng SOP last Sunday nang ipinakilala ni Janno Gibbs si Rhian Ramos bilang Superstar Rhian.

Teka, superstar? Hindi ba’t si Nora Aunor lang ang nag-iisang Superstar ng Pinas? Ngayon, e, idineklara na ni Janno na superstar na rin si Rhian? Hmmmm… parang ayaw ‘yata naming mag-agree.

Op kors naman, Janno. Bago maging superstar ang isang taartits, kailangan, e, may napatunayan na siya sa box-office record, sa acting awards, sa popularity at sa kung anik-anik na factors to be considered, hendehvah mga Noranians?

Isa pa, sana naman, e, ibahin na lang nila ang monicker kay Rhian dahil ang superstar crown, e, nakahinang na sa ulo ni Ate Guy, kahit na matagal na siyang wala sa ‘Pinas, whatdyathink, Kuya Germs? Agree ka, ‘di ba?

ISA SA MGA dahilan kung bakit kumita ang pelikulang Ang Panday at naging number one sa takilya ngayong panahon ng MMFF, e, dahil sa computer effects nito na ang may kagagawan, e, si Direk Rico Gutiererz.

E, bakit naman itong si Direk Mac Alejandre, e, inaaway-away pa si Direk Rico? Ang nakarating sa aming balita, sobrang na-insecure daw kasi si Direk Mac kay Direk Rico dahil binigyan siya ng freehand ni Bong Revilla na paglaruan ang computer effects ng pelikula.

Nawalan daw kasi ng sey si Direk Mac sa mga computer generated effects nito na pinamahalaan ni Direk Rico. At up to now, e, hindi pa rin daw maka-get over si Direk Mac. Masama pa rin daw ang kanyang loob kay Direk Rico.

Kung totoo man ang inggitan isyu na ‘yon, e, si Bong dapat ang sisihin ni Direk Mac dahil siya ang nagbigay ng responsibilidad kay Direk Rico pagdating sa computer effects. Siguro, hindi lang magawa ni Direk Mac na magalit kay Bong dahil ‘yon ang kanyang boss kaya ang pinagdiskitahan niya, e, si Direk Rico.

Matagal na naming kilala si Direk Rico dahil panahon pa ng S Files sa GMA-7, e, nakasama na namin siya at noon pa man ay alam na naming magaling siya sa mga futuristic effects sa screen dahil ang pagkakilala namin sa kanya, e, isa siyang visionary.

Kumita na ang pelikula at nagwagi na ito ng maraming awards kaya dapat makapag-move on na si Direk Mac.

Never kaming na-invite sa press con ng Ang Panday at matagal na rin kaming hindi nagkikita ni Direk Rico pero sa usaping ito, e, kakampi kami ni Corics… pwamis!

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

7 thoughts on “Manny Pacquiao, niloko ng publisher ng isang magazine?!- Joey Sarmiento

  1. Joey kahit kaylan hindi marunong manloko si ina alegre alam mo yan ..kaibigan at dati kang chief editor ng offcam kaya alam mo ng mabait na tao si Ina .. At siguradong ako alam mo yan ..

  2. wai… grabe naman yang balitang yan.. si Manny niloko ni Ina Alegre? eh di ba good friends sila?
    teka Joey Sarmiento,ikaw ang dating editor-in-chief nung magazine ni Ina? bakit puro bad publicity sinusulat mo for the magazine? bakit ngapala hindi ka na Editor in Chief nun ngayon?

  3. “matranilloamang bugaw” matuto ka naman ng kaunting humility!

    wala ni isa mang tao ang pwedeng humusga kanino man. tumingin ka muna sa salamin at tingnan mo ang sarili mo!

    kung ayaw mong husgahan, ‘wag kang mang-husga!

    let us keep JESUS in our hearts.

  4. BAKIT? Ngayon lang ba NALOKO si Manny Pacquiao. Eh naloko din siya nina Mat Ranillo at Krista Ranillo. At patuloy pa siyang niloloko ng dalawang manghuhuthot ng pera. Pinagkakakwartahan din siya ng mag amang iyan. Peneperahan siya. Hindi ba siya nakakahalata? Yung mag ama naman, sanay na sanay na sa pagbubugaw at paghiga sa kama kapalit ng pera. Madali lang talagang maloko si Manny Pacquaio!!!!

    • mio por santo, paano maloloko si monkey nandiyan si jeenkeelou na dikit na parang glu.. ibig sabihin nyan ay mga bobo at ubod ng tanga dahil madaling maloko, hindi kabaitan yon. saka may pera sila bakit hindi sila kumuha ng kanilang consultant o mgr. masyado namang pa under dog ang gusto nyong i project kay monkey.

      isa pa etong bayaran ni jeenkeelou oa naman ang pagka inggit sa mga ranillo wala pang pruweba kung ngumak ngak daig pang sya si monkey.

      tigilan na po dahil masama ang magbintang, lalo kung ang kapalit ay konting pera lang ilang latang sardinas at ilang kilong bigas lang yan na samahan mo pa ng ilang paketeng instant noodles bukas mauubos din wala ka nang kaluluwang maibebenta kay jenkeelou.

Leave a Reply

Your email address will not be published.