Manny Pacquiao, Newsmaker of the Year!

SI MANNY PACQUIAO pala ang tinanghal na Newsmaker of the Year ng Star Awards For Movies, ‘no? Eh, ‘di si Hayden Kho next year na, gano’n ba ‘yon?

“Ay, no, Ogs,” sey ni Ms. F, ang aming co-host sa Wow! Ang Showbiiiz! sa dwiz 882 sa inyong AM station at member din ng PMPC. “Dapat, positive ‘yung balita, hindi negative, so hindi siya winner du’n!”

Ah, okay. So feeling namin, it’s the wedding of the year nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang winner na niyan next year, ‘di ba? Positive ‘yon, ‘di ba?

But what about ‘yung mga nagsisipagbuntis na artista?

Positive ‘yon sa pregnancy test, ‘di ba?

Eh, ‘yung mga natsitsismis na may sexually transmitted disease?

Lalo na ‘yung HIV “positive?”

Hahaha! Jowk!

Rayver fans spam ABSCBN exec inbox

‘ETO, HA? SABIHIN lang namin. Wala namang problema ‘yung mag-send ang mga fans and supporters ng kanilang e-mail sa amin, eh. You’re always welcome.

I-push n’yo pang iparating namin sa ABS-CBN na bigyan pa ng more projects si Rayver Cruz whether with Sarah Geronimo, Shaina Magdayao o Maja Salvador, okay lang din.

Anak-anakan namin ‘yang si Rayver, ‘no! Kasama namin ‘yan sa May Bukas Pa, ‘di ba? Pero sa mga fans ni Rayver, baka naman puwedeng once n’yo lang i-send ang e-mail n’yo sa amin at sa iba pang concerned people na pinadadalhan n’yo?

Baka lalong mairita sa inyo ang mga pinadadalhan  n’yo, kasi, halos ‘yung first page ng inbox namin, eh, punuin n’yo na ng pare-pareho lang naman na message. Siguro naman, wala kayong planong “lamunin” ang inbox namin ng kataku-takot na e-mail lang na galing sa iisang tao, ‘di ba?

‘Pag ganyan nang ganyan ang attitude n’yo, baka mabuwisit pa sa inyo ang mga executives ng ABS-CBN at dedmahin ang request n’yo, hindi n’yo naman siguro gusto ‘yon, ‘di ba?

Saka isa pang lumalamon ng first page ng inbox namin ay ang tungkol naman sa request na more “EchoMen” project as in Jericho Rosales at Carmen Soo. Utang na loob, isa pa ‘tong iisang tao, pero pare-pareho naman ang nilalaman ng message kumbakit kailangang i-forward nang i-forward.

Medyo makulit na. Pero at the end of the day, gusto na lang naming intindihing ganu’n lang talaga nila kamahal ang kanilang idolo, kaya rin sila nag-e-effort na iparating hanggang sa langit ang kanilang pag-iidolo sa mga artistang nabanggit.

Pero ‘wag sobra, dahil lahat ng sobra ay nakasasama.

Me gano’n?

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

22 thoughts on “Manny Pacquiao, Newsmaker of the Year!

  1. Mr diaz,

    Judging from the comments of the us fans here in the article that u wrote re- ECHOMEN fans request for more projects, u are mistaken to think that these emails come from one and the same person, and i think u have been put in ur rightful place.. this probably was one of ur writing blunders in ur career that you think that these emails came from one person alone.. Mr Diaz, ECHOMEN fans are very much alive, and are a plenty. We are a very close knit community of professionals, mothers, single ladies/gents, golden girls, and ordinary people who wishes to see a follow-up project for ECHO and CARMEN and we will not stop emailing abs and other people who we deem can help us to be heard…

  2. ako rin gusto ko mag add sa mga nagrerequest ng echomen project or carmen soo project here in abs…..pls

  3. Sa lahat ng iyong sinulat, dito ka pumalpak. Hindi iisang tao ang sumusulat sa iyo requesting echomen projects. Magpunta ka sa KIS Thread ng Pex para makita mo kung gaano karami ang nagmamahal sa tambalang Echo at Carmen. Hindi kami titigil hanggang hindi kami napagbibigyan.

    I hope sa susunod na article mo, bawiin mo ang iyong sinabi.

    Salamat.

  4. We are smitten by Echo & Carmen’s perfect chemistry and natural acting in Kahit Isang Saglit. To tell you the truth, ang pumupuno sa inbox mo ay hindi lang iisang tao kundi nagkakaisang mga taong nagmamahal sa dalawa galing pa sa iba’t ibang dako ng mundo.
    Sorry Mr. Ogie but we will not stop from filling up your inbox of our request for Echomen’s projects.

    Sana maipaabot mo sa kinauukulan ang request naming ito. Ibayong good luck pa sa iyong career!

  5. Dear Ogie,

    We are a close knit group of Jericho Rosales-Carmen Soo fans.It has been a while since their teleserye KIS concluded & yes indeed we miss them terribly.
    I assure you that the mails you’re getting enundated with are definitely not just from one same person but a global group of people from all walks of life..we are writers,engineers,registered nurses,wives & mothers,students,artists that share this common interest.. fervent admiration for Echo & Carmen.
    Yes…we will need to be persistent until our voices are heard.

  6. Hindi lang po yan isang tao Mr Ogie. Magugulat kayo gaano karami ang fans ni Carmen Soo all over the world and gaano sila ka dedicated. Malaki sana po ang mailbox nyo kasi marami pa pong email and dapat ninyong expect hanggang ibalik nila si Carmen sa Pilipinas.More power sa Echomen!

  7. Sounds serious this Echomen fans. I feel your pain Ogie however I have to give credit to the fans. Carmen Soo and Jericho Rosales do look good together and a project together would be a good thing to have. I will watch it if they have a project together. She is indeed beautiful!

  8. totoo yan, di biro ang mag-email ng mag-email para sa echomen. seryoso kami. pero salamat ogie at binigyan mo kami ng pansin. at least nabasa mo na marami ang nagre-request para sa echomen. ang sa amin lang more projects po sana.

  9. hi po mr ogie,
    isa po ako sa fans ng ECHOMEN.. marami po kami, di lang siguro ninyo nlalaman kasi tutok kayu sa ibang artista… Marami po kaming nag re-request sa mga kinauukulan sa ABS para mabigyan ng follow-up project ang paborito naming si JERICHO at CARMEN… Sana po sa pamamagitan nitong pag email namin sa inyo, iparating nyo po sa kanila na marami kami dito sa bansa at sa buong mundo at di lang iisang tao… WE HOPE THAT ABS CBN BRINGS BACK THE TANDEM OF ECHO AND CARMEN SOON!!! Thank u po for taking time to read ur emails. God Bless!

  10. Hello mr ogie good day to you,about sa emails hinde po yan galing sa iisang tao lamang marame po kaming supporters ni carmen at echo,ang gusto lang namin mapagbigyan yung hiling namin,sana mapa abot mo ito sa mga execs.ng abs,kahit guest lang siya sa ano mang show ng abs ok na sa amin yun atleast makikita namin siya sa tv.PLEASE naman oh pabalikin nyo si CARMEN SOO we miss her badly.God Bless You Mr.Ogie

  11. ellow Ogie, we are requesting for EchoMen projects coz we missed them soo much…GASGAS na po KIS DVDs namin playing over and over again. hope u will help us para magrant wish namin, tenkz.

  12. Hello! Count me in… pressuring ABS-CBN for echomen projects….
    And Ogie, Echomen group is worldwide and hindi iisang tao lang gumagawa nito… to prove na kahit matagal ng natapos ang Kahit Isang Saglit teleserye we (ECHOMEN) are still up and here to support Echo and Carmen, visit http://www.pinoyexchange.com. Hindi kami kagaya ng ibang group na pag wala na ang serye e wala na rin sa top ten ang link sa pinoyexchange…

  13. Hi Ogie, Echomen/KISsers are all over the world and there’s a global clamor for more follow-up projects (even MMK or May Bukas Pa episodes) for Jericho Rosales and Carmen Soo. We will continue to ask and request until we are heard… so the more you ignore our requests, the more we crowd your inbox…My prayer is that you will be more understanding and respond to our request asap.

  14. mr diaz,
    ECHOMEN supporters are all over the Philippines and world.. WE the KISsers as we are called because of KAHIT ISANG SAGLIT TV series (KIS), will do our part in emailing the people concerned soo that our request for more ECHO and CARMEN projects will be materialized.. these emails didnt come from just one person alone.. I for one is part of the countless fans who have and will wait for more projects for the couple…and We hope thru u we can let our voice be heard…

  15. Hello there…Just to let you know kung bakit napupuno ang inyong mga inbox its becoz madami pong nagrerequest ng another echo and carmen project…we believe na sa pamamagitan nyo po, makakarating din sa abs executives ang aming request…
    Thank you so much Ogie, Pasensya na kung nakukulitan ka,,,we just want to show how much we love echo and carmen..God bless and more power to you!!!

  16. sorry sir ogie kong nakukulitan kayo sa amin. tama po sila hindi po isang tao yan marami po kaming gusto ang echomen….sana matulungan nyo kami na mapagbigyan ng ABSCBN ang request namain……salamat po…..

  17. thats true, we want more echo and carmen projects..ABS CBN please ibigay na po ang aming request, A.S.A.P.

  18. Sweetheart, you’re wrong! the emails didn’t come from one person only, ang dami kayang EchoMen all over the world :). siyempre miss na namin ang tambalan ni Echo and Carmen kaya heto email to the max kami sa mga bigwigs ng Dos, nagbaka-sakali pagbigyan ang request namin.

  19. excuse me ogie diaz worldwide lang po ang fans nang echomen tandem. at saka hindi iisang tao lang ang email marami po kami. Ipinapakita lang namin ang aming pagsuporta kina ECHO at CARMEN.

  20. with regards to the clamor for more “EchoMen” projects, hindi po yan galing sa iisang tao lang kahit na pare pareho ang nakalagay na message. We would like to see more Jericho Rosales and Carmen Soo projects!!! Paging ABS CBN execs!!!

    Team EchoMen / Carmen Sooper KISsers

Leave a Reply

Your email address will not be published.