Manny Pacquiao, napatulog – Gorgy Rula

NU’NG NAGPA-PRESSCON ang Show Me Da Manny nu’ng nakaraang linggo, marami ang nagdududang break na sina Jolo Revilla at Lovi Poe dahil sa mga sagot nitong huli.

Sabi kasi ni Lovi, mas na-prioritize na nito ang trabaho niya at pag-aaral, kaya hindi na sila gaanong nagkikita o nagkakatawagan ni Jolo.

Kaagad na kinulit namin si Jolo para kunan ng reaksyon pero hindi naman ito sumasagot.

Mabuti na lang at sa patuloy na pangungulit namin, pinagbigyan din ang Startalk kaya sinadya na namin si Jolo sa bahay nito para interbyuhin.

Nagulat naman kami, nandu’n pala si Lovi at katsikahan ang mga kapatid ni Jolo dahil birthday pala nu’n ni Vince del Rosario, ang asawa ni Inah Revilla.

Sabi naman ni Jolo, okay na sila ngayon ni Lovi although hindi nga raw sila madalas na nagkikita.

Pero nandiyan pa rin daw ang young actress sa buhay niya at nagsisilbing inspirasyon sa kanya.

Sobrang nasaktan nga raw ito nu’ng inaway ni Rosanna Roces si Lovi dahil dinamay pa ito gayung wala naman itong kinalaman sa problema nila sa anak nitong si Gab.

Matagal nang gustung-gusto ni Jolo na magsalita para maipagtanggol si Lovi pero minabuti niyang manahimik na lang muna dahil mas binibigyan daw niya ng proteksyon ang kanyang anak.

Mas okay na raw kasi ngayon ang kalagayan ni Gab at okay rin sila ni Grace dahil nadadalaw naman daw niya ang bata kahit kailan niya gusto,

Nakapag-aral nang maayos si Gab sa kanila at malusog na ito.

Sabi naman ni Jolo, kung gusto ni Rosanna na dalawin ang apo niya, okay naman sa kanila dahil hindi naman nila ito ipinagkakait.

Pero siyempre, gusto lang linawin ni Jolo na sila ni Grace ang magulang ng bata kaya sila ang nagdedesisyon kung ano ang mas nakabubuti para rito.

Bukod kay Lovi, nagbibigay inspirasyon si Gab kay Jolo kaya pursigido ito sa kanyang trabaho at pag-aaral.

Katabi nga raw niya matulog ang bata kaya nakapag-bonding silang mag-ama.

HINDI SINIPOT NI Manny Pacquiao ang guesting nito sa Startalk nu’ng kamakalawa dahil nakatulog daw ito.

Pagkagising daw nito, kailangan na siya sa shooting ng Wapakman kaya hindi na ito nakapag-promote.

Tarantang-taranta ang buong staff ng bagong sitcom nitong Show Me Da Manny dahil kainitan na ito ng promo nila at nagsimula na nga kagabi.

Pero mukhang bumabawi ng tulog at pahinga si Manny dahil pagdating ng training nito sa susunod na buwan, marami na siyang kailangang isakripisyo.

Kaya lang marami siyang dapat tapusin bago siya umalis pa-Amerika.

Kailangan niyang matapos ang buong isang season ng sitcom nito sa GMA-7 at bukod pa diyan, may pang-MMFF pa siyang pelikulang Wapakman.

Kaya ewan ko kung matapos ito ni Manny dahil kahit hindi pa niya ito natatapos, kailangan niya itong iwan kung kinakailangan na niyang magsimulang mag-training sa Amerika.

By Gorgy’s Park

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.