Manny Pacquiao, nakapanlulumo ang pagkatalo kay Timothy Bradley

TAHIMIK ANG kalye kahapon dahil nakatutok ang lahat sa laban nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley.

Isa ako siyempre sa nagdarasal na kay Manny pa rin ang laban na ito dahil malakas nga raw itong si Bradley. Pero siyempre, iba pa rin ang lakas ng Pambansang Kamao natin.

Pero nakapanlulumo lang na hindi nga nagwagi ang ating Pambansang Kamao. Ang dami tuloy nagdung-dunungan na naman diyan. Pero wala tayong magagawa, ‘yun ang desisyon. Tanggapin na lang natin.

Hindi nawawalan ng intriga si Pacman tuwing may laban ito, at ngayon ay sangkot ang relihiyon dahil sa pagiging panatiko niya sa pagbabasa ng Bibliya.

Ang kuwento pang nakara-ting sa amin, ang dami niyang dinalang mga kasamahan niya sa pagba-Bible study at iba na raw ang grupo nito ngayon.

Kinukuwestiyon na rin ang matinding paniniwala niya sa pagbabasa ng Bibliya, at hindi naman masama ‘yun. Nagdududa na ang karamihan na baka nagpalit na ito ng relihiyon.

Ang sabi ng iba, parang Renewed Christian na nga raw ito dahil pawang mga Christian ang mga kasama niya. Kaya delikado raw dahil nagpalit ito ng relihiyon.

Pero sa totoo lang, hindi nawawala ang pagka-Roman Catholic ni Pacman dahil may nagmimisa pa rin sa kanya at nagdarasal pa rin itong gaya nang ginagawa niya noon. Ang maganda pa nga, lalong lumalim ang pananalig niya sa Diyos dahil sa pagbabasa nito ng Bibliya.

Ang isyu lang dito, baka naaabuso na ng ibang kasamahan niya sa pagba-Bible study kaya naiintriga na ito. Likas kasing mabait si Manny at hindi niya alam na minsan ay naaabuso na ng iba. Sana talaga maingat na siya sa mga taong pinapakisamahan niya.

Tingnan natin ngayon kung nandiyan pa rin ang ibang maeepal na nakadikit sa kanya! Hay naku!

Ang dinig namin, balak ni Pacman na sumama sa pilgrimage sa Holy Land at kasama nito ang buong pamilya. Sana makapagdasal siya nang mabuti roon at maliwanagan ito ng tamang pananampalataya sa Diyos.

 

MAMAYANG GABI na magsisimula ang One True Love sa GMA Telebabad. Mala-king pressure ito sa loveteam nina Alden Richards at Louise delos Reyes dahil inilagay na sila sa primetime pagkatapos ng success ng Alakdana na pinagsamahan nila sa afternoon drama.

Hindi maiwasang ma-pressure ang magka-loveteam na ito dahil sa kanila nakaatang ang ratings nito. Pero mukhang maganda naman ang takbo ng kuwento kaya malaki ang kumpiyansa naming magri-rate ito at susubaybayan ng mga manonood.

Kaya maingat din sila sa promo nito at naka-focus lang sa loveteam ng dalawa. Hindi puwedeng pag-usapan ang tungkol kina Louise at Enzo Pineda na tingin ko naman sila pa rin at lalong gumaganda ang kanilang relasyon.

Iniiwasan na ring pag-usapan ang balak daw na panliligaw ni Alden kay Sarah Lahbati.

Pero marunong naman ang mga manonood. Alam naman nila ang dapat na susubaybayan. Kaya dapat gandahan lang ang kuwento, bongga ang ratings nito.

Abangan ‘nyo itong One True Love mamaya sa GMA Telebabad.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

7 thoughts on “Manny Pacquiao, nakapanlulumo ang pagkatalo kay Timothy Bradley

    •  ayaw tumigil anong maggaw mo?  nakialam sa politika sa america! pati mga bakla! ayan nagyari bakla ang judges!   punahin ang presidente doon tungkol sa gay community!    ayaw manakit ng husto ! mgpapastor na lang yan!

  1. Lolita bakit nakapanlulumo ang pagkatalo ni Manny? Win or Lose, Manny is 20 million dollar richer, di ba? or was it 10 million dollars?

  2. okay lang Manny, pinahiram mo lang naman yung belt mo kay Bradley. ibabalik nya rin naman sa Nov. 10. para sa amin dito sa states, ikaw ang nanalo. even sa tweeter and other social networking sites, ikaw ang true champ.

    • Iyan kasi ang buhay, parang gulong, hindi ka palagi nandoon sa itaas, and it’s a fact. Ang napakaganda sa ginawa ni Manny ay he accepted the decision of the judges with grace and dignity dahil alam nya na wala na talaga siyang magawa, boxing is a billion dollar business kasi kaya alam ni Manny ang in and out sa boxing na yan and besides mas malaki pa nga ang makuha ni Manny sa rematch.

Leave a Reply

Your email address will not be published.