Manny Pacquiao, naglabas ng pera para manalo si Jessica Sanchez sa American Idol?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Don’t make your Monday a blue Monday.

Ay, ambot talagang mabubuwang ka sa Earth ng mga pakikialam ni Manny Pacquiao sa mga beki sa pagkontra niya sa sinabi ni U.S. Pres. Barack Obama na okay sa kanya ang marriage ng same sex.

Ayun, talagang nag-trending sa buong mundo. Kasi, kahit saang lupalop ng mundo may ahas… ay, beki pala! Na halos patayin si Pacman sa kanilang mga comments! Kasi nga ba naman, tungkol ito sa kanyang opinion sa same sex marriage, at sa kanyang pahayag sa kanyang interview na may Bible verse na patungkol sa issue na sobrang self-righteous, pero mabilis namang kumambyo ang Pambansang Kamao at itinanggi ang sinabi niyang wala siyang sinabi na Bible verse. Sarili raw niyang opinion ‘yun, base sa kanyang pag-aaral ng Bibliya, ang kanyang pagtutol sa pagpapa-kasal ng same sex.

May respeto raw siya sa mga beki, kasi may mga pinsan siyang bading at ni-rerespeto raw niya ang mga ito. Malapit din daw sa puso niya ang mga bading.

May mga kumakalat pa nga raw na baka makaapekto ito sa mga American voters ni Jessica Sanchez na maging first Fil-Am American Idol.
Pero ayon kay Manny, tuloy pa rin ang suporta niya kay Jessica at balita nga na naglabas ng pera si Manny para manalo si Jessica. Pero marami ang nagsasabi na sana ‘wag nang manood nang live si Manny kasi marami ang negatibong impresyon sa kanya, lalo na ang nasagasaan niyang mga beki at ang mga tinalo niyang Mexican boxers.

May mga chikka na gumagawa ng paraan si Manny na maayos ang mga bagay-bagay sa kanyang panghuhusga sa mga beki, kasi nga naman, sana hindi na lang siya nag-comment na manghusga o magsalita laban sa mga beki na nagsusulong ng same sex marriage. Tinalo pa niya si Miriam Quiambao, na pang-national lang ang beauty dahil halos dito lang sa Pilipinas ang mga tumuligsa sa kanya. Samantalang si Manny, bongga, international talaga!

Sa ginawa ni Manny, nawalan na ng respeto sa kanya ang karamihan ng mga beki at nawalan na ng tiwala sa paniniwala sa Bibliya.

Ano kaya ang gagawin ni Pacman para mapaniwala niya ang mga beki na bumalik sa kanya ang tiwala? Marami nga ang nagsasabi na ‘sorry, the damage has been done’.

Bakit naman kasi gustong pakialaman ni Manny ang lahat ng beki, at bakit kinontra nya ang pahayag ni Pres. Obama? Gusto ba niyang maging presidente ng Amerika? Eh, matatagalan pa bago maghilom ang mga naagrabyadong beki ni Pacman.

Kaloka, as in correct ka d’yan na may malaking check! Kasi sinabayan naman ng kanyang BFF na si Floyd Mayweather ang pag-anunsiyo na pabor siya at sumusuporta siya sa naturang panukala sa Amerika, at nagpahayag pa ito na natikman na niya ang beki, kaya mahal na mahal niya ang mga bakla at tomboy. Kaya lalong nabuhay ang bansag sa kanya na ‘Gayweather’.

Kung ako ang tatanungin, wala akong pakialam sa opinion ni Pacman. Kung doon siya maligaya na manakit ng kapwa, basta ako, maligaya ako sa mundo kong ginagalawan at masaya ang aking buhay. May pamilya ako na suportado ako at naging professional lahat ng mga anak ko. Hindi nga lang ako yumaman, pero ikinararangal ko ang aking sarili na mula sa umpisa hanggang sa dulo ng walang hanggang ay ipagtatanggol ko ang aking mga kapederasyon, dahil ‘yan ang nagbibigay-kulay sa aking buhay, kahit saan mo pa dalhin si Manny Pacquiao.

Teka, kung ayaw niya sa beki, bakit ang asawa niyang si Jinkee, mukha nang bakla sa sobrang retoke?! ‘Yun lang at baboo!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

15 thoughts on “Manny Pacquiao, naglabas ng pera para manalo si Jessica Sanchez sa American Idol?!

  1. Ang mga BAKLA ang nagstart ng mga KAHALAYAN SA MUNDO! NAKAKASUKA KAYONG MGA BAKLA!! FEELING GIRL EH MGA LALAKI NAMAN! PWEH! NAKAKASUKA ANG MGA BAKLA! SUGPUIN NA YANG MGA BEKI! WALANG IDINULOT KUNDI PURO KAHALAYAN! SAME SEX MARRIAGE?? MGA WALANG RESPETO SA ‘SANCTITY OF MARRIAGE!

  2. SA MGA NAGREREACT OK LANG NAMAN WALA AKO CARE HEHE! PERO SA ISYU NI MANNY, SIYEMPRE MARAMING BEKI ANG MAIMPLUWENSIYA SA PINAS AT SA BUONG MUNDO KAYA DAPAT TINIKOM NA LANG NI PACMAN ANG BIBIG NIYA NOH!

  3. mga bakla kayo ang dami nyong gusto, sumali sa Ms, Universe, respetuhin tas naun maipasa ang sama sex marriage? kasalanan na nga ung choice nyo eh, yan ang consequence ng mga pinaggawa nyo wag naman sana abusado

  4. hai nakow!beki na kung beki!itul0y m lng aq gnagwa m!bsta wala ka png inaapakan na tao!itUloy m lang ito!laBaN M LAbAN q!!itUloy nlng natin pagsuporta ke jessica sanchez! Go!Jessica soho!Go K0rena sancheaz!go Kapuso!Go kapamilya!Go Jessica soho kapus0ng t0t0o!Go RATED k!Go AMERICAN IDOL!

  5. Nasasaktan lang ang may sugat!  Deep inside your hearts, alam ninyong mali ang same sex marriage.  Sa Biblia man o sa batas ng tao, marriage is only between man & woman.  Ang sinumang lumabag sa batas na ito ay matatawag na kasalanan sa mata ng Diyos at batas ng tao.  Manny Pacquio was just stating the fact.  Bakit ninyo kokondenahin ang taong nagsasabi ng tama? 

  6. Hindi kailangan si Manny Pacquiao para manalo si Jessica. He should also refrain from telling everyone na naglabas siya ng pera para manalo si Jessica. Hindi rito katulad diyan sa Pilipinas na lahat nababayaran at konting paambon lang nabibili ang prinsipyo. Huwag na rin siyang magpakita sa finals ng American Idol. Nakakahiya lang.

  7. d lang same sex marriage.. pati ms.universe penetrate na ng mga gays? uu operada na sila..pero they born male so male pa rin sila… ung same sex marriage ok lang as long d sila ikakasal sa catholic or any christian church.. pero joining ms.universe ng mga transgender is wrong…

  8. @da-who –> agree ako sau… dapt ang maglaban dito at magsabunutan mga beki vs beki. bakit kamo
    ???? kasi mga beki na reporter din mismo ang nagpalaki ng issue na ito.. ginamit nila ung statement ni Manny at ung rights ng mga beki pra kumita sila ng pera.. in short.. bekis were used by their kapwa bekis… ang dapat gerahin ng mga biktimang bekis ay ang mga reporter na bekis na OA kung mag react.

  9. KASI NAMAN KAYONG MGA BAKLA ABUSADO RIN KAYO MGA INDAY PATI SAME SEX MARRIAGE PINAGPIPILITAN NYO NAKAKALUKA KAYO MANAHIMIK NA LANG KAYO KUNG MERON MANG TAO NA HINDI PABOR SA KAGUSTUHAN NYO. EH ANO NAMAN NGAYON SA INYO KUNG YAN ANG OPINION NI PACQUIAO EH ISANG TAO LANG SIYA KUMPARA SA INYONG MILYONG BAKLENG SA MUNDO KALUKA. KUNG NAGUGULUHAN MAN KAYO KUNG ANO KASARIAN NYO KE BABAE O LALAKE SAKIT NYO NA YAN PERO WAG NYO NA SANA BABUYIN PA ANG SANCTITY OF MARRIAGE SAGRADO ANG PAGPAPAKASAL AT HINDI PARA SA INYONG MGA BEKI PARA SA LALAKE AT BABAE LAMANG ANG PAGPAPAKASAL OK. SA HARAP NI GOD. WAG NA KAYONG EPAL OK. KUNG GUSTO NYO MAKASAL HANAP KAYO NG GIRL.

  10. “Ay, ambot talagang mabubuwang ka sa Earth ng mga pakikialam ni Manny Pacquiao sa mga beki sa pagkontra niya sa sinabi ni U.S. Pres. Barack Obama na okay sa kanya ang marriage ng same sex.”

    tita swarding, sa tingin ko hinde naman nagkusang loob si manny na mag koment tungkol senyo mga bakla tinanong lang sya na-interview lang ba… dapat kayo mga reporter ang malalawak ang isip…common sense lang naman :-)

  11. media lang naman ang nagpalala sa issue ito… lahat naman tayo may freedom na magsalita or mag komento at walang masama sa comment ni manny kc un naman talaga ang nasa bibliya,,, at yun reporter na nag interview kay manny un dapat ang batikusin nyo…dahil sya ang nagsabi nung liviticus verses… opinion ko lang naman :-)

  12. As far as i have understood medyo napa OA lang ang interpretation ng media reporter nang tanungin si Manny about the 3rd sex. He said he condemned the sin but he’s no against any gay, lesbian or the 3rd sex. Pawang mga media lang kung minsan ini exaggerate just to make money out of it.

  13. ako bakla pero  d nman ako apektado sa mga ganyang issue.. baka nman gumagawa lang ng issue ang ibang malalaking pangalan na beki lalo na d2 sa pinas para sa pansariling intention.  eh ano kung sabihin kasalanan tayo galing sa demonyo eh ano kung walag same sex marriage eh ano kung sabhn na salot tayo.. alam naten sa sarili naten yun. tsaka bakit ba need ng kasal para sa mga beki.. fore sure 1% lag sa mga beki d2 sa pinas ang gus2 ng magpakasal sa kapwa lalaki noh. 

  14. eto nmang mga bakla na to.. OA na maka react sa mga ganitong issue. tsaka ano nman kung magait mga bakla k manny.. eh hinde nman nanonood ng boxing tong mga bakla na to at d nman ganun kadami ng fans nia na bakla no.. haist

  15. HAHAHA! NAGHUHUGAS KAMAY LANG SI PACMAN PARA BUMANGO ULIT ANG IMAGE NIYA SA MGA BEKI… ANG KAPAL NG MUKHA NIYA, SANA MATALO SIYA SA LABAN NIYA HAHAHAHA! SI JINKEE NGA MUKHA NG ALIEN KAKARETOKE

Leave a Reply

Your email address will not be published.