Manny Pacquiao, nagbigay ng kalahating milyong piso sa ‘nagbugaw’ kay Krista Ranillo?! – Ronnie Carrasco

IT’S OFFICIAL: CLAUDINE Barretto is now a Kapuso star.

Dapat sana’y hush-hush muna ang ginanap na pirmahan sa pagitan ng GMA-7 at ni Claudine nitong Miyerkules pending certain concerns na kailangan munang ayusin ng aktres with ABS-CBN. But as of 8 P.M. that same day, heto’t ipina-plug na nga ng Startalk ang pangangabilang-bakod ni Claudine.

At habang pinag-uusapan ito, matunog naman ang balitang hindi na umano tatapusin ni Sunshine Dizon ang kanyang two-year contract with GMA, hence ang kanya namang impending crossover to ABS-CBN.

Going back to Claudine, hindi raw imposibleng makatrabaho niyang muli ang kanyang ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez, reminiscent ng nangyari kay Marvin Agustin na noong lumipat fro ABS-CBN ay nakatrabaho ang dating nobyang si Jolina Magdangal.

Now with the reversal of fortune na kinasusuungan nina Claudine at Sunshine, sino kaya sa dalawa ang mas “reyna” sa kahariang nilipatan?

MUKHANG MAY BAGO na namang “pagtitripan” si Lolit Solis sa katauhan ni Cathy “something,” ang stylist ni Krista Ranillo.

Si ‘Nay Lolit kasi ang umano’y pinagbibintangan ni Cathy na nagkakalat na ibinubugaw umano nito ang starlet kay Manny Pacquiao. Sa katunayan, may cash gift daw si Pacman na kalahating milyong piso kay Cathy for a (pimping?) job well done.

Granting that aside from running a salon business ay merong “on the side” na raket si Cathy such as peddling human merchandise to wealthy patrons, walang iniwan ‘yon sa minsa’y winika ni Gat Jose Rizal na: Walang mga alipin kung walang magpapaalipin. In this particular case, walang bugaloo, kung walang nagpapa-bugaloo, ‘no!

Hay, naku!  Mabuting basagin na ni Krista ang kanyang katahimikan. The longer she lurks in silence the cheaper this scandal is getting to be!

NAUNSYAMI ANG DAPAT sana’y itatanghal na show ng Goin’ Bananas gang led by Christopher de Leon bilang tribute sa matalik nilang kaibigang si Johnny Delgado. Pinaka-“poste” ng kanilang palabas ay si Johnny, pero tribute din ‘yon para sa ilang miyembro ng lokal na aliwan na buhay pa.

“Ang kaso, naunahan kami (ng pagkamatay niya),” sey ni Boyet. Too late, ‘ika nga, dahil ang co-member nila sa Goin’ Bananas ay “gone” na yet feasting on ripe bananas in heaven.

Makahulugan ang mga ganitong tribute for the living, huwag nang hintayin pang magpantay ang kanilang dalawang paa. Walang iniwan ang mga posthumous recognition na ibinibigay sa maraming artista whose achievements go unnoticed when they were still alive and kicking.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

13 thoughts on “Manny Pacquiao, nagbigay ng kalahating milyong piso sa ‘nagbugaw’ kay Krista Ranillo?! – Ronnie Carrasco

  1. Claudine is a gem. di man aminin ng ABS, alam nilang nawalan sila ng isa sa pinakamagaling na aktres sa hanay nila….
    Suerte ng GMA at meron na silang isang tunay na aktres sa katauhan ni clau. maraming matutunan ang mga baguhan ng GMA….

  2. May bago na kayong sasambahin mga alagad ng dos, darating na sa inyo si Sunshine Dizon. Ang reyna ng pagiging unprofessional hehehe. Bagay na bagay na tandem, unprofessional artist (Sunshine) para sa unethical tv station (channel 2)!!!!!

    • kung sakaling lilipat si sunshine sa kapamilya network for sure hindi ito-tolerate nang station ang attitude of unprofessionalism. makakasabayan nya ang mga ginagalang na beterano/beteranang stars nang philippine showbiz, sya na mismo ang mahihiya na magpasaway. and abs-cbn 2… unethical station? really? kaya pala wala na ang gma sa kpb kasi gustong sumobra sa minutes nang pagpapalabas nang commercial kahit na mas mura para mas maraming pera, kaya pa kahit mga anchors nila pwedeng gumawa nang commercials kahit may “conflict of interest” sa kanilang trabaho. tsk tsk tsk! obviously, you don’t know what you are saying dimwit!

  3. Ay sus, sa tipo ng pananalita ng iba dito, ay masyado silang nasaktan na lumipat si Claudine ng GMA 7. Paano kaya magiging visible, wala namang shows na ibinibigay. Hanyo, maraming projects na naghihintay kay Claudine sa GMA 7, baka mauna pa i-air ang magiging projects ni Claudine, kaysa sa mga projects ng sikat (daw) na mga artista ng dos……

  4. dios me! kung ako ang siete, di ko get services claudine.di naman kagaling arte.lulugi lang kapuso for sure.wala naman siyang staying power.pareho lang sila ng gold digger nyang ate.word of advise sa siyete, NIP IT IN THE BUD bago kayo malugi to the max. di naman siya kawalan sa baduy na industriya ng showbiz.

  5. tama d kawalan sa dos c claudine barreto laos na cia dba kaya dapat lang lipat sa siete baka sakaling magka career a;yoko naman cia talaga maarte lang kala mo social na social lipat na cia sa siete laoooooos

  6. PAALALA! MGA KABABAYAN, KUNG MAY MGA IMPORTANTING DOKUMENTO (AUTHENTICATED LEGAL PAPERS), WAG NYO NA PO IPADALA VIA “LBC”. KINUKUHA PO NILA ANG IYON AT ONE DAY MAY TATAWAG SAU NA SASABIHING NAIWALA ANG DOKUMENTO. THEN, HINDI MAN LANG NILA BABAYARAN UNG NAWALANG DOKUMENTO.. THIS IS PERSONAL EXPERIENCE IN THE “LBC COMPANY”. I LOST ALL MY ORIGINAL UNIVERSITY DOCUMENTS AND THE DFA AUTHENTICATED DOCZ…HINDI ITO PANINIRA BAGKUS ITO AY PAALALA PARA WALA NA SILA MALOKO PANG IBANG TAO….THANKZ.

Leave a Reply

Your email address will not be published.