Manny Pacquiao, naasar na kay Pokwang?!

NAKAAALARMA ANG MAGKASUNOD na balitang naakyat-bahay sina Anne Curtis at Christian Bautista kailan lang.

In separate interviews, ipinahayag ni Cristian na kasalukuyang nagre-recording siya nang may tumawag na bukas ang gate ng bahay niya. Agad siyang nagpaalam at habang nasa daan, nagdasal na sanay’y walang gaanong gamit ang natangay at walang taong nasaktan. Dininig naman ang kanyang dasal, kung kaya’t nakahinga siya nang maluwag.

Palagay raw niya, hindi nakapasok ang mga magnanakaw sa kanyang bahay at sa pagtakas ng mga ito, naiwang bukas ang kanyang gate. Ipinagpapasalamat niyang may automatic alarm ang kanyang gate, kung kaya’t nabulabog ang mga nagtangkang looban sila.

“Nakabuti ang may magandang kalooban na kapitbahay ko, lalo na ang magandang neighborhood na nagmamalasakit sa amin,” pahayag niya.

Mangiyak-iyak naman si Anne Curtis habang ini-interview tungkol sa akyat-bahay gang na nakapasok sa Parañaque home niya.

“Hindi ko na po sasabihin kung anu-ano ang nakuha. Ang importante po, walang nasaktan sa mga kasama ko.” Aniyang nangangatal pa ang boses. Pero, ayon sa isang kasama niya, nagpapasalamat daw sila at wala roon si Anne nang maganap ang nakawan. Nagpapasalamat din sila at walang nasaktan, isa man sa kanilang mga kasama. Nakapasok at nakaalis ang mga magnanakaw nang hindi nila namamalayan. Buti na lang daw at madasalin ang kanilang amo, si Anne. Hindi nito nakaliligtaang ipagdasal ang kanilang kaligtasan. Hindi rin nito nakalilimutang bilinan silang ingatan nila ang mga pintuan sa kanilang bahay. Na ano mang tibay ng mga ito, mabubuksan pa rin dahil eksperto ang mga magnanakaw sa lahat ng klase ng pinto.

Tulad ni Cristian, nagpapasalamat din sila sa kanilang mga kapitbahay at kabarangay sa pagmamalasakit sa kanya. Pareho rin sila ni Cristian na balak magdagdag ng security guards at tumulong sa kanilang neighborhood para ‘di masalisihan hindi lamang sila, kundi ang iba pa nilang co-resident ng village.

TOTOO NA NGA ang gusto pa sanang ilihim ni Pokwang na “kinausap” siya ng Pambasang Kamao (Manny Paquiao) na tigilan ang pag-i-spoof sa kanyang dakilang ina, si Mommy Dionesia.

Hindi nga raw kasi naniniwala si Pokwang na marami ang nasasaktang mga kaibigan ni Mommy Dionesia sa Gensan sa panggagaya sa kanya ni Pokwang on Wowowee. Hindi rin natutuwa si Mommy Dionesia sa pagbuka-buka ng legs ng komedyana habang alsa-alsa ito sa ere ng mga dancers.

Nasasagwaan daw ang mother dearest ni Manny.

Hindi lang daw si Pokwang ang tinawagan ng Pambansang Kamao, kundi mismong si Willie (Revillame) rin. Maganda naman daw ang approach ni Manny, kung kaya’t naunawaan niya ang damdamin nito.

Wala nga namang karekla-reklamo si Manny kapag ini-spoof siya ni Pooh. Kahit pa naging katawa-tawa siya sa mga manonood, tinatawanan na lang niya. Pero, iba nga kapag sarili niyang ina ang nasasaktan. Hindi niya ito matitiis.

Inakala rin ni Pokwang na nanloloko lang ang caller na tumawag sa kanya at nagpapakilalang si Manny nga. Pero, nang banggitin na nito ang tungkol sa kanyang dakilang ina, nagseryoso na ito.

Tingnan n’yo, pinatigil agad ni Willie ang portion na iyon. Hindi na natin napapanood si Pokwang na ginagawang katatawanan ang dakilang ina ni Manny.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

20 thoughts on “Manny Pacquiao, naasar na kay Pokwang?!

  1. ok lang b kayo,e pinag aawayan nyo si nanay dionisia e sa totoo lang siyempre p e di tuwang tuwa yun e kasi nga masyado cyang pa showbiz ha! sa madaling sabi pinasasakay lang nya ang mga tao pra sikat di ba naman…hindi naman c pokwang ang dapat tanggalin sa wowowee kundi c valerie e mas madalas hindi maintindihan ang sinasabi kc parang ngongo kung magsalita at lagi pang sumisigaw n parang nasa perya!!!

  2. I have noticed that Willie is in full support of Pokwang with this Aling Dionisia and Anabil spoof. However, there is a lack of audience reaction. Most are quiet when Pokwang is doing her spoof. Perhaps they no longer appreciate this or they no longer think it is funny. I have also noticed that Willie is now experimenting on different comedians. Lately, it is Chocoleit. It looks like this is Willie’s desperate move to save his show. People are no longer amused with some of his hosts. Quality is no longer there. Pokwang is boring, Mariel is irritating and RR has no talent. Give us TFC subscribers the run for our money. Huwag namang sayangin. Ang haba haba pa naman nang show tapos iinsultuhin lang ninyo kami.

  3. Ang spoof ni Angelica Panganiban at Jayson. gustong gusto ko. Pinagaralan at magaling umarte ang dalawa. Pero nang si Pokwang at RR ay lumabas na Anabelle at Ruffa, irtang irita ako. Si Pokwang, kanda pilipit ang dila. Halatang nalimutan ang linya. Si RR, mukha talagang GRO na nagkukunwaring class. Diring diri ako sa hitsura ni RR. Hindi mo masisisi si Ruffa na medyo inis sa panggagaya ni RR dahil malayong malayo talaga. Bakit hindi ginamit ni Direk Bobot si Nina para gumanap na Ruffa. Mas bagay siguro. O baka naman totoo ang bali balita. Nakakainis. Kung bumagsak man ang rating nang Banana Split ay dahil kay RR at Pokwang. Ibalik naman ang konting class. Sayang ang mga dating seksi na casts. Sila ang nagbigay buhay sa Banana Split tapos pinalitan nang dalawang unggoy.

  4. Kaya nga merong word na spoof eh. Kung hindi gusto ni Aling Dionesia at ni Manny Pacquiao ang pinaggagawa ko, sana nagpapress conference na sila at sinabi niyang nakakahiya yung ginagawa ko at marami na akong nasasaktan na mga kapamilya at kaibigan niya. Kung maari lang po, kung wala kayong magandang naibabalita, ‘wag na kayong magsulat. Hindi lang po ito issue ng panggagaya ko sa nanay ni Manny Pacquiao. Issue po ito ng kung bakit may ibang tao na nagiimbento ng mga kung anu-anong mga balita na hindi naman totoo. Fabricated kung sabihin sa ingles. Hindi ko po kayo hahadlangan kung gusto niyo pa akong siraan. Sa nanay ni Manny Pacquiao at mismo kay Aling Dionesia Pacquiao, pasensiya na po at parang nagagamit na ang mga pangalan niyo sa isyung ito, na wala naman talagang katuturan.

  5. ngeks!
    sufer mali naman tong balita nato
    manood ka kaya ng SNN bago mag sulat
    sinabi din ni Pokwang na kaya sia tnwagan ni Manny dahil
    gusto siang i invite sa GEN SAN as Mommy Dionesia hindi para pag bawalan, tuwang tuwa pa nga daw ung nanay ni manny kay pokwang eh, di lang naniniwala si pokwang na si manny tlaga ung kausap nia sa phone ang akala nia sa Pooh kasi lagi nilang biruan yon..

    hay naku minsan ang ibang writer mahabol lang ang deadline nila makapag post lang kahit di man lang nag research hahahahahhaa

  6. ang iba nga riyan ay kung sino-sino ang ini-spoof hindi naman nagrereklamo. anong magagawa ni pacquiao eh talaga naman na katawa-tawa ang mukha ni aling dionisia.

    • In-appreciate mo ba ang ganyang jokes? Ikaw kaya ang may Nanay na ginganyan na katuwaan?Sobra ka. Siguro ay wala kang Nanay o’ kasumpa-/sumpa ang ugali mo sa mga matatanda.

  7. medyo o.a. minsan ang tirada ni pokwang. hindi nakakatwa. nakakasawa na. dapat siguro magworkshop sya ng komedya nya kasi parang nakakaumay na. yung pang-iispoof, medyo di nakakatawa kasi medyo nakakaoffend yung delivery nya. kulang pa sa prostetics. parang kung minsan di mo alam kung si anabil ba o si dionisia ang eeksena. in other words, kulang sa preparations. makapanggaya lang ng boses. ok ang spoof kay boy abunda at kay kris aquino kasi obvious na pinaghahandaan nila at tinutuunan ng pansin ang gagayahin. inaaral ng husto ang galaw at deliberasyon ng bawat eksena.

    • Well, kahit walang issues na ganyan , ay talagang naiinis din ako kay Pokwang. Akala niya ay lagi siyang nakakatawa. Si Willie naman ay ganang-gana/ Kapamilya fans ako pero sometimes ay ayaw ko ng mga pakulo ni Willie, Pokwang lalo na si RR na nagpapa-class ay hindi naman. Pwee ! hindi naman bagay kay RR ang maging host eh. Ang boses niya ay parang palegkera. Ito naman si Willie ay basta makahipo lang ng babae ay hindi na tinitingnan ang qualifications ng isang host. Kaya kung ako ikaw Pacquiao ay suntukin mo silang lahat huwag lang si Valerie. Kasi balita ko ay kampi-kampi daw silang mga host maliban kay Valerie.

    • Utos din ni Willie iyan. Eh uto-uto naman si pokwang para nga namang nagpapalapad din ng papel para makapag-stay sa Wowowee. Eh, kung ako si Pacquiao ay idemanda ko sila dahil mas marami siyang pera sa ABS. Tapatan niya ng suntok at dollars ang ABS. Kasi maka-ABS ako pero sometimes ay hindi maganda ang laman ng utak nila. Hindi na nakakatawa iyong joke nila sa matanda. Akala pa nga ni Pokwang ay maganda iyong pabuka-bukaka niya. Ang pangit naman niya.

    • panu kaya kung naging nanay mo si Aling Dionesia?!? anu kayang reaction mong TUKMOL KA kapag ginagawang katatawanan yang nanay mo?!?

      • Fans ako ni Angel locsin pero inis ako kay Pokwang. Ewan ko ba hindi ako mapatawa sa jokes niya kasi sobrang OA. Iyong paengkang-engkang niya sa Hep..Hep..Horay niya ay nakakainis at pabuka-bukaka niya. Walang class. In-appreciate naman nung akala mong siyang may-ari ng ABS.

  8. Pokwang is really not funny anymore! parang yung way ng pag spoof nya to anabel, aling dionesia and sa nanay ni hayden, isa lang ang atake! opinion ko lang po! Mas funny si Uge, effortless tlaga!

    • Hoy, Willie. Tama na ang pakulo mo. Nagbabayad kami ng TFC pero huwag kang magpakulo ng ganya. Kunwari ka pa daw na mahal na mahal ang mga tao…sinong maniniwala sa iyo. Iyong mga taong hindi nag-aral na poor lang. Akala nila ay sa bulsa mo nanggagaling ang premyo kaya idol ka nila. Bakit kita i-idolin? Nung pa-extra ka lang pinansin ka ba nila? Akala mo Santo na hinahalikan ka. Kung ako si Pacquiao, matagal na kitang sinuntok. At saka itong Pokwang na..tigilan mo na iyang gingawa mo dahil hindi nakakatawa ang pagiging impersonator mo. Nakakaiinis po iyong pabuka-bukaka mo Malaswa, kng akong anak mo..matagal na kitang isinumpa lalo na pag nag-hep.hep.horayy ka. ..sucks . Ikaw naman RR ka, hindi ka bagay maging hosts. Halatang poor ka na walang class. Iyong boses mo ay mukhang palengkera. Walang class halatang no education. Nag-kissed wetpu ka daw kaya mo narating iyan. Trying hard at si Bobot Mortiz naman ay tanga naman kaya nawalan ng class ang Wowowee. Pati si Lola ko na 87 years old ay hindi na mapatawa sa inyo dahil mga bastos na daw kayong gumigiling na hindi na maganda. Gusto na tuloy ni Lola ko na i-pa cancel ang TFC kaso papaano na iyong pinapanood namin na mga primetime nina Kim Chiu at Angel locsin, Melissa/Shania at Santino. Dahil sa inyong wowowee casts ay gusto na ni Lola ko na ipa-cancel kasi ay hindi daw maganda ang wowowee nung dumating si Pokwang at RR nawalan na ng class. Mas maganda ang Wowowee nung nandiyan sina Janelle at Roxanne Guinoo. May class pa.

  9. Bakit iba anag kuwento ni Pokwang sa Wowowee. Sabi niya, kinukuha raw siya ni Manny sa isang charity show para pumapel na Mommy Dionisia . Alin ang totoo?

    • Alam mo naman ang showbiz, pinaiikot ang ulo ng mga audience. Pero ang tutus…galit na si Manny sa gingawa ni Powang at ni Willie. Si Willie, akala mo kung sinong may-ari ng ABS. Dapat sa kanya ay inaaresto na sa mga gingawa niya sa mga tao. Kunwari ay mahal pero siya mismo ang nagde-degrade sa mga contestants, di ba? Hinihiya niya ang mga tao sa TV, So, papaano mo sasabihin na mabait siya at maraming natutulungan. Pera ba niya ang ibinibigay niya? Kung magbigay pa ng pera sa mga tao ay kung sino …doon lang sa pumupuri sa kanya ng gwapo siya…UTO-UTO naman na paniwala siyang pogi.. para magkapera ang mga tao syempre. Hindi naman ma-gets ng Willie. Pwede ba alisin mo na diyan si Pokwang at RR. Bumaba ang ratings ng Wowowee nung dumating sila. Mas class pa nung si Janelle at Roxanne ang nandiyan. Wowowee girls talaga. pero si Pokwang at RR. Nge at sucks…nakakahiya sa mga international viewrs dahil napintasan na siya dito sa USA nung makita silang nag-a-act na bukaka at magsalita..NO CLASS sabi ng mga puti. Hindi Patok sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.