Manny Pacquiao, naaawa na kay Krista Ranillo – Ruben Marasigan

KUNG SI MANNY Pacquiao lang ang tatanungin, gusto niyang tantanan na siya ng mga intriga. Pero talagang nananatiling umaapoy ang mga isyung kinasasangkutan niya lalung-lalo na ‘yong tungkol sa rumored affair nila ni Krista Ranillo.

“Actually, nananawagan ako na sana tama na,” ana’ng world boxing champ. “Like ‘yong Krista issue. Sana tigilan na nila si Krista kasi kawawa naman ‘yong tao. Kawawa naman ‘yong pamilya niya.

“Napakabait na tao ‘yon. Laging madasalin. At pati ‘yong pamilya niya, madasalin. Magkaibigan kaming dalawa. Sana tigilan na ang issue kasi tapos na naman ‘yong shooting namin sa Wapakman, so dapat, tigilan na.”

Kahit anong pagdi-deny ang gawin ni Manny, hindi nito kayang burahin ang usaping may ugnayan nga sila ni Krista. Lalo pa’t patuloy ang paglabas ng kung anu-anong kuwentong nagdidiin na totoo nga diumano ang tsismis sa kanilang dalawa.

Pati nga ang nalalapit na laban niya kay Mayweather, naiintriga na rin. Dahil ito sa napabalitang proposal ng huli na magpa-Olympic drug test daw si Manny bago ang kanilang nakatakdang laban next year.

“Olympic drug testing? Agree ako do’n. Honest naman tayo na tao. Wala naman tayong ano… Baka silang nagsasabi, sila ang gumagawa. Like ‘yong steroid na sinasabi nila.

“Hindi ko nga alam kung ano ‘yong steroid, eh. Wala akong idea ro’n. Tapos sinasabi nila na gumagamit ako.

“Ako kaya malakas, dahil nagdadasal ako sa Panginoon. And I work hard kaya lagi akong successful sa mga pangarap ko.”

Kung may mga negatibong usapin man tungkol kay Manny, meron din namang positive. Gaya na nga lang ng pagkakasali niya kamakailan sa Time Magazine’s People Who Matter list.

“Pasalamat tayo na malaking karangalan na mapasama tayo sa Time Magazine.  At siguro, napakalaking achievement ‘yan para sa ating mga Pilipino. Sa ating bansa.”

Dahil sa napakalaking tagumpay at mahirap pantayang achievements ni Manny bilang world boxing champ, sinasabi pa ngang naungusan na niya ang isa pang legendary icon sa larangan ng pandaigdigang boxing arena na si Mohammad Ali.

“Ayokong i-compare ‘yong na-achieve ko. Kung anuman ang nagawa ko sa boxing, siguro it’s because sa tulong ng Panginoon at sa tulong ng mga tao na laging sumusuporta,” reaksiyon pa ni Pacman.

TANGGAP NI KATRINA Halili na hindi pa rin maiiwasang matanong siya about Hayden Kho. Lalo na’t mainit pa rin ang usapin hinggil sa napabalitang tangkang pagpapakamatay nito kamakailan. Idini-deny ito ng binatang doctor. Pero may mga saksing nagpapatotoo nito at nagsasabing sila pa nga raw ang tumulong dito.

“Hindi ko alam kung ano ang iku-comment ko tungkol diyan. Sabi niya (Hayden) hindi totoo. Sabi ng mga lumantad na witness, totoo. Bahala na po sila kung ano nga ba. Ayokong pag-aksayahan ng panahon ang news tungkol diyan.”

Magpa-Pasko na. Pero nananatiling napakahirap kay Katrina na ibigay ang kapatawaran kay Hayden sa ginawa nito sa kanya.

“Kaya ko naman pong magpatawad. Ang problema, paano mo nga ibibigay ang kapatawaran sa isang hindi nga humihingi ng tawad? Hindi inaamin ang nagawang mali. At ni hindi nga niya alam na nagkamali siya.”

So, she really wanted to see Hayden behind bars?

“Opo. Gusto kong mabigyan siya ng kaukulang parusa sa kasalanan niya. At ‘yong korte na po ang bahala. Sa pag-usad ng kaso, ipagpapatuloy ko lang kung ano ang ipinaglalaban ko.”

Parang siya ang sinisisi ni Hayden na nasira raw ang propesyon at buhay nito nang dahil sa kanya?

“Bakit ako? Ang buhay at career ko rin naman, nasira, ah!  Sana malinawan siya tungkol sa mga nangyari. Basta ako, tuloy lang ang laban ko. Gusto kong managot lahat ng dapat managot,” panghuling nasabi ni Katrina.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

12 thoughts on “Manny Pacquiao, naaawa na kay Krista Ranillo – Ruben Marasigan

  1. Kasalanan din naman yan ni manny at ni jinkee, kung hindi ba ipinagwawagaywayan o ipinaparada ni manny si krista hindi yan mabubuking, syempre sino ba namanag lalake ang hindi maging proud na makakatikim ka ng mas bata at maganda rin naman si krista, at kung ako si krista at narahuyo si manny bakit ko bibitawan ang pagkakataon di gagawin ko lahat para tumirik ang mata ni manny kumbaga MY GREATEST PERFORMANCE IN MY LIFE kesa naman lalo lang mapariwari ang buhay nya bilang artista at mamingwit ng mga barya barya lang sa mga hayuk sa industriya, e di kay manny na ako na minsanan lang.

    at kay manny nakaranas talaga ng isang napakasarap na putahe na talagang gusto mong babalikbalikan at ninanamnamam na kahit katabi mo na si jinkee ay si krista pa rin ang kinasasabikan mo.

    kay jinkee ay of course masakit kaya lang yan ang kapalit ng money and fame so dapat tiisin mo hanggang kaya or kayanin mo, gayahin mo si lani mercado wag kang magkula ng dumi nyo sa publiko. ikaw lang naman ang gumagawa ng ikasasakit mo dahil ikaw ang bumubusa sa publiko at humahamig ng simpatya. kaya tumigil ka na jinkee sa kadadakdak sa media pinag lalaruan lang kayo.

  2. vaclava..korek ka diyan. Akala ko nga, kahoy lang yung sumasayaw…si Krista pala! Grabe..di bagay sa kanya ang sayaw kasi parang tuod ..di bagay ang damit..kasi mukhang log ang hita niya. Walang korte. Tumabi pa ke anne na napaka sexy! Nagmukha siyang bakla o transvestite! Nakikita mo ba yung mga nagtatawanang mga audience sa pagsayaw ni Krista..he he he.

  3. May problema si Jinkee kaya naghahanap si Manny…. Kung si Krista mukhang cheap… ano ka na lang? Masyado naman kayong malinis. Masyado naman kayong mag judge.Lahat sila may kasalanan hindi lang si Krista. Nanahimik na nga sya samantala si Jinkee daldal pa rin nakakasuya na siya.Buti nga sa kanya!
    Isa ka pa Katrina, in the first place ano’ng career ang nasira sa yo? Di ba ginusto mo na rin ang lahat? Tumigil ka na ! Masyado kang ipokrita!!!

    • o sige Beauty kung mag cheat sayo bf/hubby mo for sure may pagkukulang ka at kasalanan mo..walang kasalanan bf/hubby mo lahat kasalanan mo!!

    • may tama ka…cguro nga my pagku2lang c jinkee kay manny bilang asawa…at tama ka hindi lng c krista ang may kasalanan…alam mo ba kya lng nmn sa nadi2in…its bcoz sa kga2wan nya nrin…like ung sa car ni naivideo cla ni manny…d identical bracelet and the diamond ring…at ung pagsama-sama nila ng ta2y nya sa lakad ni manny at ang pagsakay nya sa eroplano…na team pacquio daw sya…kailan pa nangyari un…bili ka ng mag na interview kay jinkee cguro mali2nwan ka…
      at bilang misis…tama c jinkee malakas ang pakiramdam ng 1 asawa sa mga kalokohan ni hubi…gnun din ang lakas ng pakiramdam ng 1 ina kpag may nra2mdman ang mg anak…
      “wag nmn sanang maranasan mo ang ginwa ni krista/ara kay jinkee”
      cguro pagnangyari sayo yon…u will know kung gano ksakit…lalo na pra sa mga anak mo….

    • kasalanan din ni jinkee kung magloko si manny kasi nabulag siya sa dami ng pera ng asawa niya kaya kung di napag-usapan si krista patuloy pa rin ng pagbibilang ng pera si jinkee at bili doon, bili dito ng kahit na ano. sino ba si jinkee noong makuha ni manny? plain looking lang, ewan kung saan siya nakilala ni manny.

  4. buhay mo nasira katrina? aba ginusto mo naman ang nangyari diba? pinasok mo yang sitwasyon alam mo naman bf ni vicky belo si hayden pero nakikipagsex ka pa rin sa kanya.. kaya ikaw ang sumira sa sarili mong buhay consequence na yang sex video para matuto ka na di na pumatol sa mga taken na lalake lalo na married na lalake na nakarelasyon mo rin dati, remember? fokfok ka!

  5. hindi dapat kaawaan ang nag iisang pac-bet ng pilipinas. sya ang pambansang pac-bet anu ba. ang galing ng paraan, sumikat kagad. iKABIT ba naman ang name kay pacman eh. pac-bet? heheh.

  6. Lumalabas na si Krista ngayon. Nagpapa interview na. SHE LOOKS CHEAP TALAGA!! Sa itsura niya at sa kilos niya..talagang malandi ang dating niya. Kahit manamit, cheap ang dating niya.

    Paladasal daw si Krista. Ano kaya ang dinadasal niya? PERA galing sa me asawang mga lalaki?

    Huwag ka nang pa interview. Tapos na ang 15 minute fame mo na nakakasirang puri naman. Pinag usapan nga..masama naman ang topic !

Leave a Reply

Your email address will not be published.