Manny Pacquiao, muntikan nang hiwalayan ni Jinkee!- Cristy Fermin

KWENTO NG MGA impormante naming malapit sa mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao, “maganda na ang tubig” ngayon sa kanilang relasyon, nag-uusap na ang mag-asawa. Pero paminsan-minsan ay nagbabalik pa rin sa alaala ni Jinkee ang kuwento tungkol kay Krista Ranillo.

Pag-amin ng aming source, “Sa lahat ng na-link kay Manny, ngayon lang masyadong naapektuhan si Jinkee. ‘Yung mga nakaraan kasi, dinadaan pa niya sa biro ang pagseselos niya.

“Kunwari, nagbabasa siya ng tabloid at nakita niya ang picture ng nali-link kay Manny, ipakikita niya ‘yun sa asawa niya, tapos, sasabihin niya, ‘Uy, nami-miss niya!’

“Pero hanggang du’n lang ang selos niya, unlike this time na talagang naapektuhan siya nang husto. To the point na gusto na niyang makipaghiwalay kay Manny.

“Pero ang nakakatawa, ewan kung biro lang ang sinabi ni Jinkee o totoo. Ang sabi niya, payag daw siyang maghiwalay sila, pero sa kanya dapat dumaan ang lahat ng kinikita ng asawa niya.

“’Yun naman talaga ang panlaban ng mga misis, ang hawakan nila ang finances ng pamilya, para walang mapunta sa mistress, ‘di ba?” Natatawa pang kuwento ng aming source.

Maraming nagtulung-tulong para “mahimasmasan” si Jinkee. Siguro’y sa pakiusap na rin ‘yun ni Pacman, dahil hindi rin matiis ng Pambansang Kamao ang sitwasyon na parang hindi sila magkakilala ng kanyang misis kapag magkasama sila.

Natural, loyalista ni Jinkee ang karamihan sa staff ni Manny. Ayaw nilang magkahiwalay ang mag-asawa, kaya nagtulung-tulong ang mga ito para ipaliwanag kay Jinkee ang sitwasyon.

“Siguro, kakuntsaba kayo ni Manny sa mga kalokohan niya, hano?” Standard na linya ng misis ni Manny. Pero nakikinig naman siya, pinahahalagahan niya ang payo at opinyon ng mga laging kasama ng kanyang asawa, na nagkaroon naman ng magandang resulta nu’ng magtagal-tagal na.

Masaya na ang tropa nu’ng mapansin nilang inaasikaso na ni Jinkee si Manny. Kabaligtaran noon na walang pakialam si misis kung kumain na ba o hindi pa ang kanyang mister. Kapag nagkukuwento si Jinkee ay meron na rin siyang eye contact kay Manny.

“Okey na sila ngayon, nakikita namin na nag-uusap na sila, unlike before na walang kibo si Jinkee. Sabi nga ni Manny, mabuti pa raw kung nagger ang babae, alam mo agad ang saloobin niya. Pero ang nananahimik lang, napakahirap daw kalaban ng ganu’n,” pambubuking pa ng aming source.

MAHAL SI MOMMY Dionesia Pacquiao ng kanyang mga manugang dahil hindi niya kinukunsinti ang kanyang mga anak kapag sumasablay ang mga ito. Isang source ang nagkuwento sa amin kung gaano kalaki ang takot ng magkakapatid kay Mommy Dionesia. Kapag tumaas na raw ang boses ng kanilang ina ay mistulang mga talunang boksingero ang mga ito.

Kaya sa isyung nag-uugnay kay Manny at kay Krista Ranillo, maaasahan na natin kung ano ang nangyayari. Siguradong kampi kay Jinkee ang kanyang biyenan, kaya madalas sabihin ni Mommy Dionesia na wala itong dapat intindihin dahil si Jinkee naman ang may-ari ng trono sa kaharian ni Manny.

“Ay, malaki ang takot ni Manny sa nanay niya. Kapag lumaki na ang mga mata ni Nanay Dionesia, talagang alarmado na si Manny. Ganu’n katindi ang respeto nila sa nanay nila. Mag-isa lang kasi siyang nagpalaki sa magkakapatid, kaya pagdating sa respeto, panalo si Nanay Dionesia,” sabi pa ng aming source.

Kahit sa Amerika noon, palaging ang kanyang ina ang bukambibig ni Pacman. Hinahanap nito si Nanay Dionesia kapag kumakain na sila, hindi papayag ang Pambansang Kamao na wala du’n ang kanyang ina.

Cristy Per Minute

by Cristy Fermin

loading...

5 thoughts on “Manny Pacquiao, muntikan nang hiwalayan ni Jinkee!- Cristy Fermin

  1. Wala kayong magagawa sanay na yung babae subait sa may sabit..ang maganda lang na nakuha ni krista si manny na me money..nag feeling sya ang misis kung makabuntot ke manny..kung hiniwalayan ni jinkee si manny ang laking tuwa ng kabit buti na lang natauhan na isa lang PAUPAHAN ang babaeng krista..

  2. dyan nmn ako bilib sa pamilya ni manny
    kht sbihin mong npaka yaman na nila…ung respeto sa inay nila at pagma2hal ay nangu2na prin….
    ngayon tlga me nani2wala na nasa kamay ng magulang ang ikaga2nda ng ugali ng mga anak…

    mabuhay ka mommy D!!!

    • O ano naman ang kaugnayan ng pagiging pangit dito?

      O e ano, pangit kung pangit, ano bang magagawa mo.

      Christina Aguilera pakikantahan nga ako ng “Beautiful” dito.

  3. Sana nga!! Sana nga..tuluyan nang NATAUHAN AT NAHIMASMASAN si Manny Pacquaio na ang babaeng Ranillo ay isang linta lang na gustong sumipsip ng kanyang mga pera!!!

    Ang mahirap pa…kasama ng linta ang buong angkan niya.

    Manny…isa lang iyang sa mga nasa tabi tabi. Marami pa ngang mas maganda at mukhang malinis…kung gusto mo ng short time lang. Huwag naman yung mukhang dugyot.

Leave a Reply

Your email address will not be published.