Manny Pacquiao, kumpirmado ang laban kay Juan Manuel Marquez sa Disyembre

HAY, NAKU! Inisnab ko na naman ang birthday party ni Sen. Bong Revilla na ginanap sa Diamond Hotel nu’ng kamakalawa ng gabi. Kasi naman ang gabi na ng start, tapos sangkatutak ang mga pumupunta na ang iba hindi ko na kilala.

Doon kasi halo na ang grupo niya sa showbiz at pulitika. Pati mga taga-showbiz na nagpupulitika ay present din, kaya tiyak na ang gulu-gulo na.

Naloka nga si Lorna Tolentino na pati raw mga fans club nandu’n kaya hindi rin siya nagtagal sa dami ng mga bisitang dumating.

I’m sure, naloka rin siya na sa ganu’n kabonggang party, ang daming nagpa-picture, daming nagpapakilala.

Hindi pa naman sanay ‘yan sa pulitika, kaya tumakas na agad ‘yun.

Nandu’n ang Startalk para i-cover ang event na ito ni Sen. Bong, at isa sa nakatsikahan doon si Manny Pacquiao na kararating lang galing Amerika.

Masayang ikinuwento ni Pacman na successful ang show roon sa Unviersal Studios ng Manny, Many Prizes na kahit tig-80 dollars ang ticket, marami pa rin ang pumunta at marami silang nauwing prizes.

May iba kasing nagkakalat na flop daw, kasi sinabayan ito ng show ng cast ng Walang Hanggan nina Coco Martin, Paulo Avelino at Julia Montes na talagang dinumog ng mga kababayan natin doon. Eh, kasi naman, wala naman silang binibentang ticket doon kaya talagang dadagsain ito nang husto.

Kumpirmado na rin daw ang laban nina Pacquiao at Marquez sa December 8 na gagawin sa Las Vegas. Iyon ang paghahandaan niya.

Aayusin muna nito ang pag-file ng candidacy niya sa susunod na buwan. Tatakbo uli siyang congressman ng Sarangani, kaya ayusin lang daw muna niya ‘yun tapos sisimulan niya uli ang preparasyon ng laban niya.

Tinanong na rin doon si Manny tungkol sa hiwalayan nina Paolo Contis at Lian Paz. Malapit siya sa mag-asawa lalo na kay Paolo, pero ayaw naman magkomento ng ating Pambansang Kamao. Ipagdasal na lang daw na magkaayos silang mag-asawa. Sobrang personal daw na isyu ‘yun ng mag-asawa kaya ayaw naman daw niyang pakialaman.

Sana raw magkaayos na sila. Hay, naku! Sana nga magkaayos nga silang mag-asawa. Ewan ko na lang.

 

HINDI NAIWASANG tungkol kina Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria ang pag-usapan doon sa birthday ni Sen. Bong Revilla dahil parang naging open na sila sa kanilang relasyon.

Sinabi naman ni Jodi na espesyal si Jolo sa kanya, at nakikita naman kay Jolo na ganu’n din si Jodi sa kanya.

Sabi naman nina Bong at Lani, pagdating sa lovelife ng anak nila, ayaw nilang pakialaman. Kung ano ang nagpapasaya sa anak nila, suportado nila ito. Hindi naman nila idini-deny na may magandang relasyon talaga sina Jolo at Jodi kaya hayaan na lang daw sila.

Makikita naman ‘yan kapag natuloy na ang pagtakbo ni Jolo sa dara-ting na eleksyon, tiyak na nandyan si Jodi na susuporta sa kanya.

Ang isyu pa niyan, makakalaban pa ni Jolo ang anak ni Sen. Ping Lacson na si Jay ba ‘yun? Hindi ko na sure. Eh, ‘di ba ang dating asawa ni Jodi, ‘yung si Pampi na anak ni Sen. Lacson.

Ang latest pa ngayon, si Iwa Moto raw ang bagong karelasyon nitong Pampi, kaya hindi malayong mangyari na si Jodi ang mangangampan-ya kay Jolo, si Iwa naman ang mangangampanya sa kalaban ni Jolo? Bongga! Jodi vs. Iwa ang drama? Eh, malakas pa naman ngayon ang Be Careful With My Heart ni Jodi, kaya magkakaalaman din ‘yan.

Sa totoo lang, todo ang suporta ni Sen. Bong kay Jolo at pati na rin kay Lani at ang kapatid niyang si Mayor Strike Revilla.

Sila ang tatakbo ngayong elek-syon kaya ‘yun lang ang hiningi ni Bong na birthday gift sa kaarawan niya kahapon.

Bukod pala du’n sa birthday party niya nu’ng nakaraang Lunes, meron din siyang oath-taking ng alyansa ng Lakas niya at Magdalo ng Cavite. Bukas naman magkakaroon ng blood-letting program sa Kapitolyo ng Cavite na bale isa rin sa mga proyekto ni Jolo at ni Bong sa tulong ni Gov. Junvic Remulla.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Manny Pacquiao, kumpirmado ang laban kay Juan Manuel Marquez sa Disyembre

  1. Alam ninyo ba, na si Manny Pacquiao ay hindi dapat hangaan ng mga Pinoy,dahil pinasikat lang siya ni Bob Arum, na isang kilalang Mafiosi ( Mafia ), kaya kung hindi ninyo nahahalata bawat laban ng Pacman na yan,piling pili ni Bob Arum,sinisigurado niya na kikita siya,ha ha si Pacman ay created ng mga Mafia sa Las Vegas,,maraming magagaling boxer na kapantay ng Timbang ni Pacman,,bakit pinipili nila ay mga sinisiguro nilang matatalo ni Pacman, kasi nga para mapakinabangan pa nila si Pacman,, 

Leave a Reply

Your email address will not be published.