Manny Pacquiao, knockout sa poker!

KAPAG NAIISIP KO kung ano ang nangyari sa mga boxers na sina Rolando Navarette at ang Mike Tyson, hindi ako makapaniwala na darating ang panahong magigisnan sila ng kanilang mga tagahanga na nasa miserableng sitwasyon.

Si Navarette ay nabura na sa mapa ng boxing at wala nang kabuhayan. Pinagtatawanan na rin siya dahil mukha na lamang siyang taong-grasa sa kanilang lugar.

Noong heyday ni Navarette, wala itong ginawa kung hindi magpakalunod sa alak at abusuhin ang kanyang katawan sa mga bisyo.

Naubos ang perang kinita sa pakikipagbasagan ng mukha at wala nang nagisnang boxing career.

Ganoon rin ang nangyari kay Tyson. Sa kanyang prime years, parang panginoon siya ng boxing world na sinasamba ng lahat.

Pero ilang panahon lang, nababalita nang inireklamo ng pambubugbog ng babae si Tyson at palaging nasasangkot sa eskandalo, kabilang na ang demandang rape na isinampa sa kanya.

Ngayon, si Tyson ay amuyong na lang, kalabit-penge na lang sa Las Vegas.

Gipit na gipit, mas marami pang pera ngayon sa kanya ang isang ordrinaryong Kano.

HINDI MALAYONG GANITO rin ang abutin ni

Congressman Manny Pacquiao sa mga darating na panahon kapag hindi niya binago ang kanyang lifestyle at hindi niya binawasan ang kanyang bisyo.

Ayaw nating dumating ang panahon na ang taong ipinaparada sa Roxas Blvd. at EDSA na parang rebultong buhay ay magmistula na lamang basahan na aapak-apakan ng mga pulitikong nakikinabang sa kanyang popularidad.

Nitong nakaraang weekend, naimbitahan tayo ng mga kaibigan natin sa Macau.

Para sa mga hindi pa nakaaalam, ang Macau ngayon ay parang Las Vegas na open city para sa lahat ng klase ng gambling.

Paraiso ng mga sugarol ang Macau.

Nakakatuwang malamang maraming Pinoy workers sa mga 5-star at 6-star hotels sa Macau.

Doon nila natagpuan ang maayos na kabuhayang hindi nila makuha sa sariling bayan.

SA PAG-IIKUT-IKOT NATIN sa mga hotels sa Macau, nakita natin si Manny na naglalaro ng poker sa Wynn Hotel, isa a mga 6-star hotel doon.

Magdamagan palang naglalaro ng poker doon si Manny na ayon sa mga Pinoy na nakakausap natin doon, natalo siya ng six million Hong Kong dollars or P36 million pesos.

Pero may mga nagsabi rin na nakabawi si Manny nang maglaro ng baccarat sa Venetian Hotel, isa rin sa super-star na hotel doon na ang laki ay mahigit one million square-meter.

Personal kong nakita si Manny nang dumating at maupo sa VIP poker habang kami naman ay tumagay-tagay ng red wine sa Wing Lei restaurant na katabi lang ng poker table nila.

Mag-aalas-dose na ng hatinggabi kaya umalis na kami para mag-ikut-ikot ulit. Alas-3 na ng madaling-araw kami nakauwi sa aming hotel hanggang sa panibagong araw na makapag-ikot ulit.

Nang magbalik kami para sa lunch sa Wynn Hotel din, naroon pa rin si Manny, nagtaka tayo dahil iyon pa rin ang damit niya.

Ayon sa mga Pinoy sa paligid, hindi natulog si Manny. Maghapo’t magdamag naglaro ng poker? Hindi ba’t bawal magpuyat ang mga atletang tulad ni Manny?

Matutuwa si Mosley sa ginagawang ito ni Manny.

HANGGANG SA KAILANGAN na naming umalis sa patungong Macau airport, naroon pa rin si Manny.

Bago kami umalis, ang personal kong nakita ay kung paano nag-call si Manny sa diga ng isang Chinese player na nagtaya ng mahigit two hundred thousand Hong Kong dollars.

Nang magbuklat ng baraha ang Chinese, ang kartada niya ay Ace of Diamond at Queen of Spade. Si Manny, ang baraha naman ay Ace of Clover at Queen din.

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng ganoon dahil nakita ko ang dealer na hinati ang pot money papunta kay Manny at papunta sa Chinese.

Kung ano man iyon, si Jinkee na bahala roon.

Ang mas matimbang sa akin ay ang pag-aalala kung anong bukas ang naghihintay sa natatanging Pinoy pride kung magpapatuloy ang bulagsak niyang paggasta ng kanyang pinaghihirapang pera.

Baka lang nakakalimutan ni Pacquiao, hindi lang siya atleta, isa rin siyang kongresista na may hawak na moral na pananagutan sa bayan.

Manny, awat na ‘yan bago ka pa tuluyang ma-knockout ng pagsusugal!

allanpunglo@yahoo.com

Pulandit
Allan Encarnacion
allanpunglo@yahoo.com

loading...

4 thoughts on “Manny Pacquiao, knockout sa poker!

  1. What Mr Encarnacion would like to emphasized when he mentioned that Manny was knocked out in a poker game, does not only include whether he is winning or losing, but the time he spent  while gambling. . Several  issues are stake here, one his hard earned money that he bet not only on poker but also on baccarat. two, his penchant to stay over night while gambling that certainly will affect his health as an athlete. When a person became a habitual gambler, the odds is always on the side of the house not on the player. and at the end of the day, this person will go bankrupt no matter how much money he has in the bank. I am very much aware of this, as I am a gambler myself. Third, is a public official, and as such, he should be a role model to the people, hence, he should stay away from this kind of vice.

  2. Paanong knockout di mo nga alam ang game na poker. tsk  tsk., as you are saying, they bet and call and part the money. So wheres the knock out.  My point is if you are a looser in a game, especially poker, you are knocked out means your not playing, if you are playing you are winning , same as boxing. Sentido common pls. Pls. dont be misguided by fools who dont know what they are reporting.

  3. Manny is a great man, we have to respect whatever decision he is. He has the right to have fun and enjoy himself to the fullest. But for me, gambling is not the right path to enjoy and reckon with. it is a thing that i hate since i was a teen. My advice for Manny is to enjoy himself to put out some of his money into a humanitarian activities. many of our unfortunate countrymen needs his help. Why not put his money into a developmental activities which enhance his moral and boost his dignity. Manny, Try to meditate and improve you spiritual well-being. its a some kind of relaxation from your hard training in your boxing career. a noble act that you can show gratitude to God our creator and made you popular. One way that you can show your appreciation to God from all the blessing that  He has been given unto you since in your boxing career.

  4. Unlike Tyson and Navarette, Manny is a businessman and many of his investments are flourishing. I’d say let him be, if he wants to gamble, it is his choice and ,apparently, he is having fun. A piss poor guy like you might not understand why he’s willing to lose so much money. He wants to have fun. What’s the use of money if you can’t use it to do the things you wanted to do? This article is also misguided, Tyson has managed to turn his life around. He is not the “kalabit-penge” that you’re saying he is.

Leave a Reply

Your email address will not be published.