Manny Pacquiao, kinansela ang taping sa show para masamahan si Jinkee sa Bora! – Lolit Solis

NAKAKALOKA NAMAN ITONG supporters ni Piero Vergara na natanggal sa Starstruck V nu’ng Linggo. Ako ang inaaway sa pagkatanggal ng alaga nila, eh, sa labanan nila nu’ng nakaraang linggo, 20 percent lang naman ang score namin na galing sa council at 60 percent ang galing sa texters kung sino ang type nilang matanggal.

Bakit hindi ‘yung mga nag-text ang pagdiskitahan nila, eh, 60 percent ang nakukuha du’n sa total score? Ibig sabihin, marami ang gustong matanggal itong si Piero.

Halos nagwala na raw roon ang magulang ni Piero at ako raw ang inaaway at sinabihan pa raw akong mukhang pera? Nakakaloka sila, ha?! Parang pinalalabas nilang pinagkakaperahan ko ‘yang Starstruck na ‘yan?

Naku day! Hindi ko lang narinig ‘yung mga pinagsasabi nila. Baka nagkagulo kami du’n!

Nagsalita pa raw ‘yung manager nu’ng Piero na ililipat na lang daw nila sa Star Magic sa ABS-CBN 2 ang alaga nila. As if naman interesado ang Dos sa alaga nila. Kaya ba nilang gawin ‘yun, eh, may kontrata ‘yang mga batang iyan sa GMA-7?

Sabi nga ni Iza Calzado na isa sa mga council, hindi naman magiging bitter itong mga supporters ni Piero dahil hindi pa naman tapos ang lahat.

Ang daming nanggaling sa Starstruck na hindi naman winner, pero ang ganda-ganda ngayon ng career nila.

Ayusin lang nila ang ugali ng alaga nila at may mararating ito kapag magtrabaho lang nang maayos.

Si Princess Snell ang babaeng natanggal nu’ng nakaraang Linggo at natanggap niya agad dahil aminado naman itong may pagkakamali siya at hindi nga siya naging malapit sa mga kapwa survivor niya.

Sabi nga niya sa interviews, hindi pa ito katapusan ng lahat. Ipagpapatuloy pa niya ang kanyang career sa showbiz at very positive siyang malayo pa ang mararating niya pagkatapos ng Starstruck V.

Mukha ngang may mararating pa itong Princess dahil bagay na bagay siya sa mga kontrabida roles, basta ayusin lang niya ang pakikitungo niya sa mga katrabaho niya at marunong lang siyang makisama.

Ngayong walo na lang ang naiwan sa Starstruck V, mas matindi pa ang mga pagdadaanan nila at dapat ‘nyong pakatutukan ‘yan.

At least, unti-unti na silang nagkakaingay ngayon!

SA BORACAY PALA magsi-celebrate si Jinkee Pacquiao ng kaarawan niya. Ang pagkakaalam ko, kahapon talaga ang birthday ni Jinkee at umalis na nga sila patungong Boracay.

Naloka nga ang staff ng Show Me Da Manny dahil dapat may taping si Manny niyan sa sitcom niya, pero biglang hindi na pala siya puwede kaya nagpa-revise sila agad ng script na wala na si Manny.

Siyempre, kailangan naman ni Manny na ibigay ang espesyal na araw na ‘yun sa asawa niya lalo na’t nandiyan pa rin ang mga intriga sa kanilang mag-asawa at kay Krista Ranillo.

Dedma na nga sila sa isyung buntis si Krista dahil hindi naman daw ito totoo.

Ang pagkakaalam ko, magbabakasyon sila pa-Canada at doon dapat sila mag-celebrate ng birthday, pero ewan ko bakit biglang nabago.

Abangan n’yo na lang sa Startalk dahil kukunan namin ang espesyal na selebrasyon iyan ni Jinkee Pacquiao.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Manny Pacquiao, kinansela ang taping sa show para masamahan si Jinkee sa Bora! – Lolit Solis

Leave a Reply

Your email address will not be published.