Manny Pacquiao, ipinag-shopping si Krista Ranillo? – Alex Brosas

LATELY, PILIT NA iniuugnay ang pangalan ni Krista Ranillo kay Manny Pacquiao. Kung anu-anong tsismis ang lumalabas tungkol sa kanila.

Ang nakikitang closeness nina Krista at Manny ay binibigyan ng kahulugan ng ibang taong nakakakita. Ang bawat galaw nila ay nabibigyan ng kakaibang kulay.

Katulad na lamang noong magkasama ang dalawa na namigay ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy sa Angono, Rizal. Nagtatanong ang marami, bakit tila napapadalas yata ang pagsasama nila sa isang okasyon.

Magkasama pala sina Krista at Manny sa Wapakman at nagpatulong lang ang champion boxer sa dalaga sa pamimigay ng relief goods. In fact, kasama pa nga ni Krista ang kanyang amang si Matt Ranillo III sa kanilang relief good operations.

Sa isang interview, inamin ni Krista na nakita nga niya si Manny sa isang mall noong nasa Hong Kong siya last month. Kasama ng dalaga ang kanyang hairstylist-friend noon. At nang pabalik na sila sa Maynila, nasa Business Class si Manny at siya naman at ang kanyang friend ay nasa Economy.

And when they got to Manila, nag-offer si Manny na isabay sila sa pagpunta sa birthday party ni Wilson Tieng sa Manila Polo Club. Pinagbigyan ito ni Krista at sumakay sila sa Hummer ng Pambansang Kamao. Siyempre, marami ang nagulat nang makita silang sabay na pumasok sa party.

Hindi naman affected si Krista sa tsismis sa kanila. Hindi raw siya guilty sa mga ibinabatong intriga sa kanya.

Lately, may tsikang nakita raw na pumasok si Krista sa isang mamahaling boutique sa Greenbelt  5. After a few minutes, bigla raw umapir sa boutique itong si Manny.  And the next scene, isinara raw ang mamahaling store para walang istorbo sa pagsa-shopping ng dalawa.

True ba ito, Krista?

I’m sure, dedeadmahin lang ito ng dalaga. Wanna bet?

NAGKABALIKAN NA NGA ba itong sina Ai-Ai delas Alas at Miguel Vera?

Ang tsika sa amin, sa bahay na raw ni Ai-Ai natutulog itong si Miguel, meaning, back in each other’s arms ang drama nila ng komedyante.

Matagal ding naghiwalay ang dalawang ito. Nagkaroon pa ng palitan ng mga maaanghang na salita noong kasagsagan ng kanilang hiwalayan. Sa tindi ng galit nila sa isa’t isa noon, walang mag-aakalang magkakabalikan pa sila.

May mga nakarelasyon si Ai-Ai matapos silang maghiwalay ni Miguel. Maging ang singer ay napaulat ding may dyowa na noon na isang babaeng nagtatrabaho sa isang bangko.

Hindi nagtagal ang lahat ng nakarelasyon ni Ai Ai. Maging ang dyowa niyang foreigner noon ay hindi rin nag-last.

Ang huling balita namin, si Ai-Ai na rin mismo ang nakipag-break sa dyowa niyang direktor.

Totoo nga kayang nagsasama na uli sina Ai-Ai at Miguel Vera? Kung true ito, naku, baka sabihin ng mga tao na Tanging Pamilya sila dahil pambihira talaga ang kanilang love story.

Kung nagkabalikan nga ang dalawa, well, siguro naman ay pangmatagalan na ito ngayon lalo pa’t hindi na naman sila bumabata at marami na rin naman silang pinagdaanan.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

15 thoughts on “Manny Pacquiao, ipinag-shopping si Krista Ranillo? – Alex Brosas

  1. Tinanong si Manny ng misis ng isang senador na close sa kanya at inamin nyang sila nga ni Krista Ranillo. Ayon din kay Pacman, matindi daw kase ang pangangailangan ng mag amang Krista at Matt Ranillo III.

  2. What do you expect pag may pera ang tao, siyempre babae at bisyo, kung ang mga patay gutom nga na lalaki, ang lakas ng loob mambabae si Manny pa kaya.

    Sana Manny maiba ka naman sa mga taong naging successful pero nawasak ang pamilya, please maging faithful ka sana sa pamilya mo higit sa lahat sa asawa mo!

  3. Sa halagang Limang Milyon, binenta ng tatay na si Mat Ranillo Ranillo ang anak niya ke Manny. Pikit mata sa gawa ng anak niya. Kesa nga naman kina Michael de Mesa at Dominic Zapata na walang mga pera….anong mahihita ng tatay? Ke Manny Pacman, buy 1 take 2 pa si Manny kasi kasama pa si Mat Ranillo . Nasaan ba ang ina ng babaeng iyan at naging pakawala ng husto?

  4. Manny gave us so much pride and we owe that pride to him but wag nyang kakalimutan ang Law of Nature yung bang tinatawag na EQUILIBRIUM. Nag umpisa na by making news of immorality at sa pag patul nya sa mga por kilong babae. Kahit tigas ng leeg sa katatangi ni Ara sa naging relasyon nila ay walang maniniwala. Si ara mina pa na hustler sa ganyang mga bagay. at ngayon eto mas sariwa ng konte kay krista sino namang hayok ang di makakapigil si manny pa na ngayon lang naman nagmantika ang nguso. hindi mo maababago overnight si Manny dahil sanay din yang kumain ng bulok na karne. Ngayong may pera na. balutin mo man ng ginto yung tunay na manny pa rin ang lalabas, yung pera lang naman ang habol nila kay manny no more no less so kahit himurin nila lahat ng latak sa puwet ni manny ay ok lang basta may pera.

  5. my nkpgsbi xkn na c krista dn ang dhilan ng hiwalyan ni michael de mesa at ni gina aljar..dhil ngng kabit sya ni michael noong 18 yrs old plang xa..

  6. Di guwapo si Manny, mukhang gurang, di rin sobrang intelehenteng kausap batay sa marami niyang interviews. Aside sa pagiging mabait ni Manny, ano naman ang nakikita nitong babaeng ito na Ateneo graduate kay Manny na handa siyang humarap sa posibilidad na giyerahin siya ng misis ni Manny?

Leave a Reply

Your email address will not be published.