Manny Pacquiao, hinding-hindi iinom ng ihi!

NOONG BIYERNES, NAKAUSAP namin ang Pambansang Kamao sa Batangas City kung saan siya ang naging guest of honor ni Governor Vilma Santos para sa kanilang Alay-Lakad 2011.

Inusisa namin si Pacman tungkol sa nalalapit nilang laban ni Juan Manuel Marquez, at ayon pa sa kanya, hindi pa siya gaanong nagti-training dahil dalawang buwan pa naman bago ang kanilang laban.

Napapabalita rin noon na ang sikreto ni Marquez sa kanyang tatag at lakas ay ang pag-inom ng kanyang sariling ihi. Gayahin kaya ito ni Manny?

“Hindi ko alam kung saan niya nakuha ‘yung paniniwala na ‘yun na iinumin niya ang ihi niya, hahaha! Siguro ‘yung umiinom ng ihi, kabaliwan ‘yun! Sino namang tao ang iinom ng sariling ihi?”

Oo nga naman.

 

NOONG NAKARAANG LUNES, isinulat natin dito ang tungkol sa usapin ng pagpasok ni Luis Manzano sa pulitika. Marami talaga ang nakapansing parang seseryosohin ito ni Luis dahil noong September 2 ng gabi, nag-tweet ito sa kanyang mga followers na nagpapahiwatig na may mga kakaibang plano siya sa kanyang career.

Ayon pa sa kanyang tweet (@luckymanzano), “goodnight guys, these next few years will be a different journey, so many moves, changes etc, hope you’ll all still be there :)”

Hindi na rin kataka-taka kung papalaot si Luis sa pulitika. Matatandaang naging vice-mayor ng Makati ang kanyang amang si Edu Manzano ng ilang taon. Tumakbo pa itong bise presidente noong nakaraang halalan sa ticket ni Gilbert Teodoro, pero hindi pinalad na mahalal bilang pangalawang pangulo ng bansa na napagwagian naman ng dating kasama ni Edu sa political arena sa Makati na si Vice President Jejomar Binay.

Naging mayor ng tatlong termino sa Lipa, Batangas ang kanyang ina at ngayon ay punong panlalawigan naman ng kanilang probinsiya. Ang kanyang step father namang si Senator Ralph Recto ay dating congressman din ng Batangas at ngayon ay kasalukuyang mambabatas sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

 

BLIND ITEM: KINSA siya? Sa taping ng isang game show sa isang malaking network, nagkulong daw sa CR ang isang napaglipasan nang aktres. Ang tagal daw talaga nito sa portalet na umabot ng isang oras at ‘di malaman ng staff and crew kung paano siya palalabasin dahil nga magti-take na.

Na-delay raw ang taping dahil ang tagal talaga niya sa CR. Hinala ng taga-production ay tumira raw ng bawal na gamot ang mataray na aktres. Nang lumabas na raw ito, inusisa ng co-host ng programa kung bakit ang tagal-tagal niya sa CR. Sagot daw nito, nagbuhos daw siya ng sama ng loob. Kaya naman biniro siya ng co-host ng programa na maghugas ng kamay at magsabon.

Pero walang naniniwala sa mataray na aktres. Ang paniniwala nila talaga ay nag-drugs daw talaga ito. Ayaw ni lolo niyan, hindi na siya talaga ang paborito niyang apo.

 

ERRATUM: NAISULAT NATIN dito noong Lunes ang tungkol sa anak ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz. Dapat po ay anak ito ni Patrick Garcia at hindi Dennis Trillo gaya ng nakasulat. Paumanhin po.

 

Twitter: @arnielcserato; Facebook: heavenscents2002@yahoo.com; E-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

3 thoughts on “Manny Pacquiao, hinding-hindi iinom ng ihi!

  1. AYAW NI PACQUIAO NA UMINOM NG IHI NYA PERO HINIHIMOD NYA ANG MGA HIMA NG MGA KABET NYA. LAHAT NG MGA NAGING KABET NYA PURO PUTA EH DI PATI TAMOD NG IBANG LALAKE NA NAIWAN PA SA PWERTA NG MGA KABET NYA EH NAHIMOD NA RIN NYA. MAS BABOY YUN AT NAKAKADIRI. BWAHAHAHAHAHAHAHAH

Leave a Reply

Your email address will not be published.