Manny Pacquiao: Habang pinipigil, lalong nanggigigil! – Cristy Fermin

KAPAG PANSARILING INTERES na talaga ang nakataya, maraming bibig na gustong magsumigaw ang natatameme. Gusto mang mag-umalpas ng kanyang dila para marinig ng buong bayan ang kanyang emosyon ay wala siyang magawa. Meron kasi siyang inaalala. Nakahambalang nang katuwiran ang imahe, makakaltasan pa ang kanilang bulsa.

Sa ganu’ng paraan inilalarawan ng ilang impormante ang nagaganap ngayon sa isang sikat na pamilyang nabubugbog sa kontrobersiya. Totoo ang kuwento at gusto na sanang maglabas ng saloobin ng naaaping babae sa istorya, pero hindi niya ‘yun magawa dahil sa ilang mahahalagang bagay na kailangan niyang bigyan ng bigat.

Mabigat na mabigat nga ang kanyang kalooban ngayon dahil karapatan niya na bilang babae ang sangkot sa usapin. May karapatan siyang magsalita dahil siya naman ang umaangkin sa trono ng pagkareyna. Pero kailangan niyang magtikom ng bibig dahil ‘yun ang kailangan.

Sabi ng aming source, “’Yun ang mahirap kung minsan, ‘di ba? May karapatan ka namang magsalita, you have all the right to talk and say what you want, but you can’t do it, dahil marami kang masasagasaan.

“In her case, there’s the pressure on the image of somebody very dear to her. Meron din silang kontratang kailangan pahalagahan, or else, they will be forced to return whatever they got for a certain endorsement.

“Ganu’n din ang nangyayari noon sa mga relasyong on the rocks na. Alam na ng buong showbiz ang issue, pero nagde-deny pa rin ang mga taong involved.

“Kailangan muna kasi nilang manahimik, merong clause sa contract na pinirmahan nila na kapag may nangyaring gulo sa pamilya nila, ibabalik nila ang talent fee for endorsing the product na pampamilya ang story board na ginawa nila,” kuwento ng aming impormante.

In short, matapang ang babae, naduwag lang siyang magsalita para hindi masira ang imaheng iniingatan ng isang taong malapit sa kanyang puso.

At kasama na rin du’n siyempre ang iba pang mga bagay-bagay, tulad ng pera na ay magiging bato pa, kapag nag-ingay siya.

ANG SUNDALO RAW, habang nasusugatan ay lalong tumatapang. Isang magiting na sundalo sa gitna ng lona si Manny Pacquiao. Matindi siyang sumuntok, nakapagpapasarado ‘yun ng kahit mulagat na mga mata. Pamatay ang kanyang mga upak, nakakaawang tingnan ang mga pinadadapa niyang katunggali.

Sa usapin ng pulitika, ganu’n din siguro si Pacman. Habang nasusugatan siya ay lalo pa siyang tumatapang. Para siyang si Kulas na habang pinipigil ay lalong nagpupumiglas.

Sabi sa amin ng isang dating malapit na malapit sa Pambansang Kamao, pero ngayo’y hindi na ganu’n ka-close sa kanya, “Naku, kabisado ko na ang kartada ni Manny, kung ano ang gusto mo, ‘yun ang ayaw niya. Palagi siyang kontra-pelo. Kapag tinanong ka niya kung alin ang mas maganda sa dalawang bagay na hawak niya, ‘yung sinabi mong hindi maganda ang mas pipiliin niya.

“Sus naman! Sa tagal ba naman ng pinagsamahan namin, hindi ko pa siya makikilala? Kaya ‘yang pagpasok niya sa pulitika, mentras pinipigilan mo siya, ‘yun naman ang gagawin niya!

“Marami kasing pumipigil sa kanya para pumasok sa pulitika, e, pero subukan n’yo siyang ipagtulakan, du’n mo makikita na medyo mag-aalanganin na rin siya,” kuwento ng dating ka-close ni Pacman.

Sa larangan kaya ng pag-ibig ay ganu’n din si Manny? Mentras maraming kumokontra kay Krista Ranillo, lalo naman siyang nanggigigil?

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

8 thoughts on “Manny Pacquiao: Habang pinipigil, lalong nanggigigil! – Cristy Fermin

  1. PAALALA! MGA KABABAYAN, KUNG MAY MGA IMPORTANTING DOKUMENTO (AUTHENTICATED LEGAL PAPERS), WAG NYO NA PO IPADALA VIA “LBC”. KINUKUHA PO NILA ANG IYON AT ONE DAY MAY TATAWAG SAU NA SASABIHING NAIWALA ANG DOKUMENTO. THEN, HINDI MAN LANG NILA BABAYARAN UNG NAWALANG DOKUMENTO.. THIS IS PERSONAL EXPERIENCE IN THE “LBC COMPANY”. I LOST ALL MY ORIGINAL UNIVERSITY DOCUMENTS AND THE DFA AUTHENTICATED DOCZ…HINDI ITO PANINIRA BAGKUS ITO AY PAALALA PARA WALA NA SILA MALOKO PANG IBANG TAO….THANKZ.

  2. Tiago, bat mahilig ka yata sa puwet at me himod pa, ano ka ba talaga, gaspang dila pa, siguro ginagawa mo kaya alam mo, Why are you so mad at Willie?

  3. Tiago marunong ka palang mandiri, sa mga sinabi mo sino ang kadiri sa inyo ngayon? Bumalik na naman pagka satanista mo. Wala ka na katwiran dahil sa personal na galit mo kay Cristy

  4. Tiago intindihin mo muna article bago ka comment. Wala akong nabasa na sumsipsip si Cristy kay Manny. Hirap kasi, dahil galit ka sa writer, kahit hindi mo naintindihan, comment agad. Magmumog ka nga ng holy water

  5. tang ina mo cristy!!!!!!!!!!!!!!!!! sumisipsip ka na naman ke manny. dahil ba nilaglag ka na ng boss mong si devillame? himod himod ka kasi sa pwet niya e magaspang na yang dila mo. kadiri ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  6. Paano na? naglulupasay na sa sahig ang bugaw at pokpok. If I know, gagawa ng paraan si amang bugaw para makaabot ke Manny Pacquiao ang kanyang pagtutol. Dapat ipako sa krus itong dalawang itong mahilig manghingi ng libreng pera. Time para maghanap ng bagong bibiktimahin na…

  7. i guess pag lalo bina bawal lalong mang gigil si manny lalo na pag ang krista kabet ranillo ay iiyak iiyak at mag paaawa kay manny at sabihin kay tatay matt paano na tay di na tau muna makapag shopping sa hongkong o di malibre tau lahat sa vegas dahil kinabog tau ng sambayanan pilipino.. e di si manny maawa at lalong lumalapit. etoh naman si krista gusto talaga kc syaang naman mga dolyares noh.. konti lang ang bayd pag naghubad sa pbulic…. oh i love ur artikle.. tama ka c jinkee mas mukha pang atenista kaysa kay krista.. a very decent woman.. go jinkee hanggat kaya mo ipaglaban mo at kunghindi ibigay muna kay krista si manny im sure marami kanaring pera hanap kanalang ng gwapo . si krista wala ng mahanap kaya si manny pag nag chuva chooo chooo nakapikit at inisip ang mga dolyares..

Leave a Reply

Your email address will not be published.