Manny Pacquiao, ginutom ang inimbitahang media sa victory party?!

MAY DAPAT IPALIWANAG ang organizer ng victory party ni Manny Pacquiao, dahil lumabas sa Facebook ang discrimination umano na na-experience ng media.

Nabasa namin ang shoutout ng college classmate naming palaban na si Rowena Salvacion kahapon sa Facebook.

“SUPERMAN LOVES WONDER WOMAN: the house media was invited to the victory party of PACMAN last night. We went home discriminated, disappointed and hungry. You guys should have told us the real deal. Kaya naming bumayad ng pagkain sa resorts world. Dami kong bente singko sa wallet ko no. To use rg’s words “I HATE BEING TREATED LIKE HAMPASLUPA.” Sabay walk out,” post ni Rowena.

It appears to us na ginutom ang mga inimbitang media sa victory party ni Pacman. Hindi naman basta-basta magwo-walkout ang members ng press kung walang nangyaring ganoon.

Teka, sino ba ang nag-organize ng victory party, ang GMA-7 ba? Kung ang GMA ang nag-organize, aba, malaking kahihiyan nga ‘yan, kasi mismong media people nila ang ginutom nila. Kung hindi naman ang Gozon-headed network ang organizer, dapat sigurong magsalita kung sino man ‘yun dahil nakakahiya ang nangyari.

Alam kaya ni Manny na ginutom ang media sa kanyang victory party?

IT SEEMS THAT Marian Rivera’s popularity is slowly fading out.

That is kung true ang tsikang nakarating sa amin na one digit na lang ang rating ng kanyang soap opera sa Siyete.

Kung two digits ang kalabang show, ang programa naman daw ni Marian ay single digit na lang ang nakukuhang rating. And to think na in-extend pa ang show ni Marian, ha?

But believe us, kahit na non-rater ang show ni Marian ay bibigyan pa rin siya ng programa ng Siyete. Takot lang nilang mawala si Marian sa kanila.

Naku, tiyak na aawayin na naman kami ng fans ni Marian niya. Wanna bet?

NAKA-SHADES SI COGIE Domingo nang mag-guest sa Paparazzi last Sunday. ‘Yun pala, nabugbog ang aktor.

“Kakamay pa lang po akong gano’n, bigla akong sinuntok, eh. Tapos tuluy-tuloy na po ‘yun hanggang…‘Yung isa po humahawak sa akin, ‘yung isa po bumubugbog,” kuwento ni Cogie na namamaga pa ang mga mata noong Linggo.

“Hindi ko alam, saka wala akong laban nu’ng may humahawak sa ‘kin,” paliwanag ni Cogie when asked kung bakit sa palagay niya ay binugbog siya.

Nangyari ito sa bahay ng isang kaibigan. Mabuti na lang at nakatakas ang aktor nang dumating ang kanyang driver.

Sabi ni Cogie, isang Vito Barretto ang suspect.

“Nagpa-blotter na po. Nagpa-medical na po ako at pinaghahanap na po siya ng pulis ngayon.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleCarmina Villaroel, desidido nang umalis sa Siyete!
Next articleAte Vi: Go lang kung sakaling bading ang anak na si Luis Manzano!

No posts to display