Manny Pacquiao, bumabawi kay Jinkee Pacquiao!

AS OF PRESS time, wala pa rin palang katiyakan kung makakauwi si Manny Pacquiao ngayong araw.

Ang unang sinabi niya kasi, ngayong araw na siya babalik pero mukhang nagbago raw ng isip dahil gusto nitong magkaroon pa sila ng panahon ni Jinkee na silang dalawa lang.

Sobrang sweet nga raw ngayon ng mag-asawa at madalas na lumalabas daw na silang dalawa lang.

Mabuti na naman, ‘di ba? Ang unang nabalitaan kasi namin, hindi raw nag-uusap ang dalawa at dedma lang daw si Jinkee kay Manny.

Kaya nga isa raw ‘yun sa mga dahilan kung bakit wala raw sa kundisyon si Manny sa huling laban niya kay Marquez.

Muntik na ngang matalo, kaya naawa na rin daw si Jinkee at nagkausap na silang dalawa.

Pagkatapos nga raw ng laban ay sweet na sila uli, at talagang binantayan daw ni Jinkee si Manny habang ginagamot ang mga sugat at pasa nito sa mukha.

Naawa na yata si Jinkee sa asawa kaya okay na sila at sabi nga raw nila kahit ano pang intrigang maglabasan, hindi na sila papaapekto.

Sana nga tapos na ang kanilang isyu, at wala nang maglabasang kung anu-anong kuwento tungkol sa mga intriga kay Manny at isa ibang girls.

Kung natuloy ang pagdating ni Manny, abangan n’yo na lang ang Manny, Many Prizes nila bukas dahil pinaghandaan na nila nang husto ang victory celebration nila para kay Manny na gaganapin sa SM-MOA.

 

MUKHANG TULUY NA tuloy na raw ang paglipat ni Sharon Cuneta sa TV5. May inaayos na nga raw ang programa para sa kanya sa tulong siyempre ni Boss Vic del Rosario na siyang tumatayong manager nito.

Kung matutuloy na nga talaga si Sharon, posibleng magkakaroon ito ng programang pagsasamahan nila ni Gabby Concepcion kasi nadala na rin ito doon ni Boss Vic.

Dapat nga si Sharon na itong kasama ni Gabby sa PS I Love You na magsisimula na sa susunod ng Linggo.

Pero si Dina Bonnevie na ang kinuha nilang katambal ni Gabby, pero mas perfect nga kung si Sharon ang kinuha nila.

Parang ang dami nga yatang dadalhin si Boss Vic sa TV5, huh!

Sa kanya na rin kasi si Maricel Soriano kaya malamang na magkakaroon na rin ito ng programa sa Kapatid Network.

Ang isa pang narinig kong inaayos na rin ang paglipat sa TV5 ay si Sunshine Dizon daw.

Ready na raw kasi si Sunshine sa pagbabalik-showbiz niya kaya lang tapos na ang kontrata nito sa GMA-7 at pursigido naman daw ang Singko na kunin siya.

Pero as of now, wala pa ring kumpirmasyon dahil wala pang sinasabi ang TV5 tungkol dito.

Ang latest na  narinig ko lang ay magpapa-lipo na raw si Sunshine para payat na payat talaga ito sa pagbabalik niya sa trabaho.

Abangan na lang natin dahil mukhang pinag-uusapan na raw ngayon.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Manny Pacquiao, bumabawi kay Jinkee Pacquiao!

  1. kung talagang magaling ka lolit tulis dapat sinulat mo ang tungkol sa pagbato ng celpone ni jinkee kay manny ng mapatunayan sa dna na anak talaga niya ang inaanak niya sa binyag. hina mo talaga. yan ang rason kaya muntik matalo si pacquiao.

Leave a Reply

Your email address will not be published.