Manny Pacquiao, balak uling dalawin sina Sen. Bong Revilla Jr. at Sen. Jinggoy Estrada

Manny-PacquiaoDUMATING NA pala si Manny Pacquiao nu’ng kamakalawa lang at sana nga makausap namin sa Startalk dahil marami siyang ikukuwento sa atin.

Babalik si Manny sa taping ng Sports Science sa GMA 7 at siyempre sa trabaho.

Sana matuloy rin ang balak ni Manny na dalawin uli sa Camp Crame sina Sen. Bong at Sen. Jinggoy dahil kailangan nila ‘yan ngayon.

Siyempre, malungkot ngayon sina Bong at Jinggoy dahil sa ginawa sa kanila ng Sandiganbayan na na-freeze ang assets nila.

Hay, naku! Alam naman ng lahat kung gaano kasikat si Bong at kung gaano kalaki ang kinita niya sa pag-aartista. Bakit pati ‘yun nadamay na sa mga ibinibintang sa kanila.

Kawawa nga si Lani, pati siya na kumita rin sa pagiging artista, nadamay pa. Hay, naku! Malalagpasan din nila ito, at lalabas din ang katotohanan.

Sana nga matuloy ang pagdalaw uli roon ni Manny sa kanila.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.