Manny Pacquiao at Mommy Dionesia, madalas magtalo dahil sa relihiyon?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikkka ng bonggang-bonggang eksenang chikkahan ng yours truly! Thanks God it’s Friday!

Ano ba ‘yan? Lagi na lang ako nabubuwang sa Earth sa mga nakakalokang mga   nakaka-

rating  sa akin na hindi maganda sa aking panlasa. Tulad nu’ng nakaraang birthday ni Donya Dionesia. Kung natatandaan n’yo, bongga as in bonggacious talaga, kaya lang hindi raw talaga happy ang matandang nanay na nagpapakabait kahit niregaluhan siya ng magarang luxury car. Mas gusto pa rin niya na personal na umuwi sandali si Pambansang Kamao Manny Pacquiao. Kaya lang, mas minabuti na lang daw na wala ang kanyang anak, kasi ‘pag nagkikita sila ni Manny, lagi na lang silang nagtatalo sa pinasukang relihiyon ni Manny.

Hindi pa rin maka-move on si Donya Dionesia, kasi nga naman nu’ng bata pa raw si Manny, siya pa ang pasimuno sa pagdarasal nila ng rosaryo, at talagang aktibo ito sa simbahan pati piyestahan at Santacruzan, siya ang namamahala at laging hermano mayor. Kaya nu’ng nagbago na ng relehiyon ang kanyang anak, mabubuwang talaga sa Earth si mother, kasi para sa kanya, kasalanang mortal o napakalaking kasalanan ang ginawa ng kanyang anak sa paglipat ng ibang relihiyon. Kaya ‘pag nagpapang-abot sila, panay ang bangayan nila at laging nagtatalo sa kanilang paniniwala sa kanilang relihiyon. Tumitigil lang sila kapag namamagitan na ang kanilang kaibigan o kaya ang asawa ni Manny na si Jinkee. Na tama na raw, kasi walang patutunguhan kung ang Bible ang kanilang pag-uusapan.

Pero sa kabilang banda, magalang naman daw si Manny na unawain si Donya Dionesia. Iniisip na lang niya na talagang ‘yun ang kinagisnan ng matanda at hanggang ngayon, aktibo pa rin sa kanilang simbahan. Kaya nirerespeto niya ang kanyang ina. ‘Di ba kahit papa’no okey naman si Manny? Kasi marunong rumespeto bilang anak. Kaloka!

 

PARA SA akin, kung tatanungin n’yo naman ako sa laban ni Jessica Sanchez sa American Idol, siyempre para sa mga Pilipino manalo man siya o hindi, panalo pa rin siya at suportado pa rin siya, dahil siya pa lang ang singer na Pilipino rin ang nakikipaglaban talaga sa galing ng kanyang talent.

Kung ako rin ang isa sa mga judges, super bilib talaga ako sa batang ito, dahil hindi mo makikitaan ng kakaibang attitude. Kaya naman sana, hindi siya matulad sa iba na ang magulang ang sumisira sa career nila, lalo na ‘pag pera ang pinag- uusapan. At isa pa d’yan, kahit matalo siya, marami na ang kukuha sa kanya para maging isang recording artist na.

Kaya naman para sa atin mga Pinoy, Jessica Sanchez, congratulations!

 

SPEAKING OF Jessica Sanchez, maloloka ka naman sa Earth dahil sa hula ni Madam Venus at bongga kapag pumikit lang siya ay mararamdaman niya talaga ang vibes niya. At siyempre ayon sa hula niya, mananalo si Jessica Sanchez at ramdam niya ang mga judges, walang problema sa kanya. At marami na rin tong nahulaan na mga artista kagaya nina Sharon Cuneta at Helen Gamboa na magkakabati na rin.

Ang masasabi naman niya kay Manny Pacquiao, dahil ngayon ng daw ay manghuhula na rin daw, kanya-kanya naman sila ng vibes at talagang magkakaiba raw sila. Pero ayon sa kanya, kung gusto n’yo raw magpabasag ng malas, magpa-feng shui, at gusto n’yong bumalik ang mga nawala n’yong lovelife, ayan kontakin n’yo lang ang pinakamagaling na psychic na si Madam Venus. At ang kakaiba pa d’yan, psychologist din siya, marunong magbasa kung ano ang ugali ng tao.

Kaloka talaga si Madam Venus! Bihira lang din ang magkaroon ng ganyang talento… kaya naman kontakin n’yo na siya sa numerong (02) 647-0040. Huwag na kayong magdalawang-isip mag-inquire. Bonggacious, madam, ikaw na! Hahaha! Pak!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

8 thoughts on “Manny Pacquiao at Mommy Dionesia, madalas magtalo dahil sa relihiyon?!

  1. Ang grabe ng make up ni Mommy D, hindi nag match sa kulay ng neck nya. Agree ako sa iba, parang bangkay na tingnan. Sa dami ba namang milyones, ba’t ba hindi pa kinuha si Fanny Serrano or Ricky Reyes.

  2. bakit nga parang mukahang si MJ ang mukha ni aling dionesia duon,talaga atang ang UNGGOY kahit bihisan mopa UNGGOY pa rin,,,,peace.

  3. NAKA SUN BLOCK SI MOMMY D DYAN SA PICTURE PATALON NA SANA SA SWIMMING POOL NAKUNAN PA NG PICTURE………….BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

  4. napakarami naman nilang pera pero bakit di sila kumuha ng magaling na make up artist?   parang sa bangkay  tuloy ang mukha ni aling diony  dun sa picture at parang nakakahawig tuloy niya si Michael J .

Leave a Reply

Your email address will not be published.