Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao, malabo raw maghiwalay!

MASAYA NA RAW ngayon si Manny Pacquiao at ganado uli sa pag-ensayo dahil okay na raw sila ng asawa niyang si Jinkee.

‘Yun ang balitang nakarating sa akin, kaya malabo raw ‘yang balitang maghihiwalay na ang mag-asawa. Meron pa ngang kuwentong balak na raw ni Jinkee na mag-file ng annulment.

Wala naman tayong naririnig mula kay Jinkee dahil ayaw na nga niyang magsalita sa ngayon. Umalis ito pa-Singapore nu’ng nakaraang linggo at nakunan yata ng Showbiz Central ang pag-alis kasama ang kakambal niyang si Janet. Pero hindi talaga ito nagsalita.

Ang kuwento naman sa akin, maayos daw na nag-uusap ang dalawa at sobrang behave nga raw si Manny roon sa Amerika. Kapag wala raw itong ensayo, nagba-Bible study daw ito kaya tigilan na raw ang kung anu-anong intriga laban sa kanya.

Alam ko, next week na ang dating ni Jinkee pa-Amerika para suportahan ang asawa.

Siguro abangan na lang natin ang nalalapit na laban ni Pacman kay Marquez  at ipagdasal na magwagi na naman ang ating Pambansang Kamao para panibagong karangalan na naman sa ating bansa, ‘di ba?

 

NAHULI NA RAW ang pumatay kay Ram Revilla pero parang lalong lumalim ang kuwento dahil base du’n sa mga pahayag ng self-confessed killer, dawit ang isang kapatid ni Ram.

Nakakaloka, ha! Parang naging masalimuot na ang mga pangyayari kaya susubaybayan natin ang kuwentong ito dahil tingin ko, may misteryo sa likod nitong pagpatay kay Ram.

Dumalaw nga ako du’n sa burol nu’ng kamakalawa ng umaga, pero ang kapatid lang ng ina ni Ram na si Genelyn ang naabutan ko kaya wala akong nakuhang kuwento roon.

Pero bilib ako sa suporta nina Bong at mga kapatid nito dahil talagang sila ang sobrang aligaga sa pag-asikaso sa burol pati sa paglutas sa krimeng ito.

Malaking bagay nga ang inalok na pabuya ni Bong para matunton lang ang killer, kaya lang parang lalong naging kumplikado ang lahat kaya tingnan na lang natin kung saan ito hahantong.

Sana maging malinaw lang ang lahat at lumabas lang ang buong katotohanan.

Ang isa palang sobrang apektado sa pagkamatay ni Ram ay si Jolo dahil halos kaedad lang niya ito. Hindi nga ito nakapag-concentrate sa taping nu’ng Lunes dahil ang iniisip nito ang pagkamatay ni Ram.

Parang doon lang daw nag-sink in sa kanya na patay na ang tiyuhin kaya apektado ito nang husto at nahihirapan siya sa taping.

Wala naman siyang magagawa kundi ang magtrabaho dahil kailangan talaga, gawa nang ilang linggo rin siyang nabakante sa taping pagkatapos niyang ma-ospital.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

9 thoughts on “Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao, malabo raw maghiwalay!

  1. @Inday Bonita, hahahaha, di ba totoo naman? Maski ano pang itsura sa lalaki kung makabigay ito ng isang milyon sa isang gabi, e sino ba naman ang hindi papayag doon? Yong mga babae na naenganyo ay iyon na lang siguro ang gagawin, pumikit ka na lang at hintayin na lang na matapos kaagad at ang sinabi pa sa isang kanta, “Shake your Bootie”, shake, shake, shake, hahahaha. Pero on the serious side naman, ang kapalit naman sa isang gabing ligaya ay is a lifetime of ruined integrity, di ba? Ang hirap kasi sa Pinas ngayon, bakit ba hindi na lang pumila itong mga babeng ito sa Happy Yipee Yehey or sa Manny Many Prizes or sa Wiltime Big Time. At least doon may exposure silang clean image at hindi yong ini expose nila ang kanilang titi at puki in private.

  2. @Maria- that was sooo funny. I like the way you said “no matter how he looks” ha ha ha Ipikit na lang ang mga mata pag nasa harapan and think about the $$$$$$$. Ha ha ha……..

  3. kung ako kay jinkee gayahin nya din si pacyaw manlalake naman sya ayan na siguro pinaka malakas na suntok na makaka knockout kay pacman hehehe

  4. I don’t think Jinkee is going to leave pacman, with the money he is bringing to their home, ulol lang si Jinkee kong ewan nya si Pacman kasi he will replace her in a heartbeat, nag chicks chicks na nga itong si Manny na they are still together, how much more kung official na silang break. Manny would not care, there will be many young, fresh and beautiful chicks out there who are after his money, no matter how he looks, hahahahahaha,.

  5. I would never vote for Pacman in higher office. Daming besyo, sugarol at babaero, once a sugarol and babaero, will always be a sugarol and babaero.

Leave a Reply

Your email address will not be published.