Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao, kasing dami ng world titles ang gustong maging anak

OLA CHIKKA na naman tayo to the maximum authority of chikka! Nakakaloka naman talaga, ayaw paawat.

Inamin ni Jinkee Pacquiao na ang kanilang samahan ngayon ng asawang si Pambansang Kamao Manny Pacquiao ay “stronger than ever”.

Sa ulat ng Dos sa interview ni Kris Aquino kay Jinkee sa Kris TV na lumabas last February 15, inamin ni Jinkee na ang Diyos ang sikreto nila sa mas matibay na samahan ngayon.

Diin pa ni Jinkee, kailangan na niyang mag-move on mula sa mga intrigang bu-magyo sa kanilang samahan ni Manny noong na-link ang huli sa sexy star na si Krista Ranillo. Sabi ng maganda at business-minded na misis ng Pambansang Kamao: “The love that never fades and God, kasi ‘yun ang pinakasentro sa aming relationship ngayon. Kasi kapag nawala ‘yung love, wala na.”

Hindi man pinangalanan, pero tumbok pa ring si Krista ang tinutukoy ng maybahay ni Manny na babaeng labis daw naka-stress sa kanya noon. It means unforgetable moment talaga ‘yun sa kanya.

“Yes, pabayaan na natin siyang manahimik. Good for her. Past na naman ‘yon. Past is past,” pag-amin niya.

Ayon pa kay Jinkee, natural lang na minsan-minsan ay maiuugnay ang pa-ngalan ng asawa sa ibang babae dahil na rin sa kanyang kasikatan.

Lahad pa ni Jinkee, “Medyo lumiko lang ng ibang landas. Minsan naiimpluwensiyahan ka ng pagiging famous mo. Hindi kasi ‘yun ang dati mong buhay, and then parang nabigla ka. Ang alam niya, may gusto na sa kanya, so grab the opportunity, go. Kaya dumarami sila, actually.”

Dagdag pa nito, “Minsan may mga bodyguard, minsan kapag may nagustuhan, o ‘pag naglalakad, minsan ‘yung mga mata [inuutos] sa bodyguard, ‘O, number’, ganoon. Kapag may mga tao ka, sila ang nagwo-work para sa iyo.”

Sa ngayon daw, napapansin ni Jinkee na ibang Manny na ang kanyang nakakasama. Marahil daw ay dulot ito ng pagbabalik-loob ng boksingero sa Panginoon.

Aniya, “Unti-unti nang nawawala, kasi kapag nagbago na ang amo, dapat ‘yung mga kasamahan ay nagbago na rin. Ito [si Manny] bawal nang magsigarilyo, uminom—bawal na lahat.”

Rebelasyon pa ng vice gubernatorial bet ng Saranggani, gusto pa raw ni Manny na magkaanak pa sila ng apat.

Saad niya, “Gusto niya eight. Kasi naka-eight world titles, gusto niya ang anak niya ay eight din.”

Marami naman ang nagtaka kung bakit lagi lang nasa video si Manny sa naturang episode ng Kris TV, pero hindi ito nagsasalita o naringgan ng anumang pahayag.

Sa paliwanag ni Kris, kailangan daw tanggalin ang interview o soundbytes ni Manny dahil sa “network conflict”. Si Manny ay contract star ng GMA-7, samantalang sa ABS-CBN naka-kontrata si Kris.

Paliwanag ni Kris, “Can I say something? Kasi, on my actual birthday sa Kris TV, para huwag n’yo na kaming kuwestiyunin, inuunahan ko na. Nakakuha kasi kami ng letter galing sa GMA [7] na bawal si Manny Pacquiao.

“Pwede siyang makita, pero bawal marinig ang interview sa kanya. So, huwag n’yo nang kuwestyunin kung bakit puro si Jinkee lang ang nagsalita, in-edit na lang namin para ma-air pa rin namin this Friday.”

“So sorry, advance na ‘yan, inunahan ko na para wala nang gulo at para hindi ma-TRO ang episode…

“Kasi baka sabihin nila it’s unfair, inimbita, tapos hindi man lang kinausap. Hindi po, hindi pinayagan magsalita.”

Ayan ha? Nakuha ko lang ang isyu na ‘yan nang mag-check ako sa Internet. Pero siyempre, pinakaimportante riyan ang comment ko.

Nakakawindang talaga ang mga eksena kapag may mga ganyan. At least kung totoo man ito, that’s good. Sana tuluy-tuloy na dahil marami ang naapektuhan sa kanya. Bongga naman pala ang pa-ngarap nila sa isa’t isa.

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

One thought on “Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao, kasing dami ng world titles ang gustong maging anak

Leave a Reply

Your email address will not be published.