Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao, Haharap kay Barack Obama

KINUMPIRMA NI CONGRESSMAN Ma-nny Pacquiao at ng asawang si Jinkee ang nalalapit na pagbisita nila sa White House matapos tumanggap ng imbitasyon mula sa Washington DC. Sa Feb. 15 haharap ang mag-asawa kina US President Barack Obama at US First Lady Michelle Obama.

“Excited ako, kasi first time in our life na ma-meet siya at makausap. Dapat last year pa ‘yon, so ngayon lang matutuloy,,” sey pa ni Pacman.

Nag-iisip na rin si Manny kung ano ang sasabihin sa Presidente ng Amerika. Sobra rin ang paghahanda na ginagawa ni Jinkee sa paghahanap ng isusuot niyang damit para pagpunta sa White House.

Jennica Garcia, Nakagat ng Pitbull

Ayon sa isang source, nu’ng nakaraang araw ay kinagat si Jennica Garcia ng isang pitbull na pag-aari ni Direk Don Michael Perez, kasama raw nito si Sheena Halili nang sumigaw ito sa takot sa aso, nagulat ang aso at si Jennica ang kinagat. Mabilis namang isinugod sa hospital ang dalaga, 3rd degree daw ang kagat na kung tutuusin ay delikado at isang mala-king aso pa ang nakakagat sa dalaga. Hanggang ngayon patuloy ang pagpunta niya sa hospital upang tapusin ang mga injection.

Ynna Asistio, Todo-Bantay sa Amang Maysakit

Si Ynna Asistio pala ang nagbabantay at nag-aalaga sa ama nitong si Boy Asistio na naka-confine sa hospital, may sakit si Boy, asawa ni Nadia Montenegro. Siya lang daw ang nakakaalam ng lahat ng gamot na pinapainom sa kanyang ama. Nabanggit din niya na isa siyang frustrated nurse. Nabanggit niya na hindi pala okey dati ang pamilya nila at ni Mark Herras na boyfriend niya ngayon, pero sa mga nangya-ring kanegahan, na-realize nila na dapat ay maging okey ang mga ito.

Parazzismiz
By Maica Tidila

loading...

4 thoughts on “Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao, Haharap kay Barack Obama

  1. well,..sana hilingin ni manny,,ang pag suporta sa pina st mga pinoy sa mundo,,,o lalo na sa america diba,,,,para sa kapakanan ng pinoy padin,,,.

  2. Pingback: Tweets that mention Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao, Haharap kay Barack Obama | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.