MANNY PACQUIAO AT JINKEE PACQUIAO, GRABE KUNG MAGPATALO SA CASINO?!

SA NANGYAYARING GIYERA sa Libya at Egypt, sa gulo sa Bahrain na nadadamay pati ang mga inosenteng OFWs natin, sa nasalantang Japan dulot ng tsunami, alam nating lahat na pagkatapos natin itong ma-witness at maranasan ng mga kababayan natin sa ibang bansa, we’re still blessed.

Kasi, pagkatapos ng lahat ng ito, they’re still alive. As in buhay na buhay kahit feeling devastated. Pero ang mga Pinoy ay kabibiliban mo.

Hindi nawawalan ng pag-asa. Lalo na ‘yung mga OFW na nagpapakahirap sa ibang bansa para lang may maipadala sa mga umaasang pamilya, hindi sila bibigay o magpapakamatay dahil lang sa nangyayari sa paligid.

Kaya tayong hindi naman naapektuhan nang labis at naapektuhan tayo dahil sa nangyayari sa ating kapwa, samahan na lang natin silang magdasal na sana, malampasan nila ang hagupit na ito sa kanilang buhay.

Ngayon, may problema ka sa pag-ibig? Nawalan ka ng trabaho? Hindi natuloy ‘yung business deal mo?

O, sige nga, magpalit kayo ng problema ng mga kababayan natin sa Japan, gusto mo?

Just count your bles-sings.

SANA NGA, HINDI totoo ‘yung narinig namin na nagpatalo si Manny Pacquiao ng P70M sa New Resorts World Casino in one sitting.

Sana, hindi rin totoo na nagpatalo naman ng 12 million HK dollars sa Macau si Manny at 1 million HK dollars naman si Jinkee.

Sa mga nangyayari ngayon sa ating bayan sa mga kababayan natin sa ibang bansang labis na naapektuhan ng mga trahedya, ang sarap siguro sa pakiramdam kung ido-donate ko ‘yung amount na ‘yon doon.

‘Yan ay kung ako ang nasa posisyon ng mag-asawa, ha?

Pero malay naman natin kung may gusto lang sumira sa mag-asawa. Dahil ang alam talaga namin, nagbago na si Manny. Hindi na siya nagsusugal at nagko-concentrate na lamang siya sa mga negosyo niya at sa pagtulong sa kanyang mga kababayan bilang siya ay Congressman ng Saranggani.

Alam din naman namin na kung totoo man ito ay ano ba ang pakialam natin? Pera ba natin ‘yon? Saka sa dami naman ng pera ni Pacman, can afford naman siya to enjoy gambling.

Kung magsugal man si Manny o sila ni Jinkee, at least, hindi nila ipinangutang ‘yon, pera nila ‘yon at never tayong nakarinig na nilustay ni Manny ang pondo niya bilang congressman.

Saka ang Pagcor naman natin, marami ring natutulungang kababayan sa kanilang pangangailangan, eh. So I’m sure, du’n sa P70M, ang dami na ring nakinabang na mahihirap, di ba?

Pero sana nga, hindi ito totoo, dahil kami mismong hindi naman namin pera ‘yon, nanghihinayang na kami, ‘no!

Pero at the end of the day, pera ba natin ‘yon?

Oh My G!
by Ogie Diaz

Related Post

loading...

8 thoughts on “MANNY PACQUIAO AT JINKEE PACQUIAO, GRABE KUNG MAGPATALO SA CASINO?!

  1. I can see that the content of this article is full trash. All speculations and hearsay that's obviously blown into huge proportions just to sell this website to God-knows-what. geez, the only reason I come across this crappy article is that I was searching for some articles regarding Pagcor Entertainment City.

  2. Hoy ogie the pogi, para masabi mong walang kredibilidad si ogie d ay ibig sabihin lang madalas ka magbasa ng kolum niya. Ibig sabihin ikaw ang d*mb a$$ di sya. Malaki kang t@n9@. Kung wala siya kredibilidad bakit ka pa nagbabasa kolum niya?

  3. …Hi Ogie,Maraming salamat sa mga praying ninyo at sa pakikiramay sa mga nasalanta ng lindol at tsunami….dito sa japan.TNX…

    • Korek, maski ano pa natin ka talino kung ang bibig naman na poro bad, para na ring maliit ang utak, di ba? You can correct someone by being nice, respectful and tasteful. ♥♥♥♥♥ Peace.

  4. To Mr. Ogie Diaz,

    Now I have fully verified and confirmed that your credibility as a reporter, a journalist, or whatever it is that you call yourself, is questionable, worse, f*cking senseless.

    Do your research first. Resorts World is not in any way related to PAGCOR, it is under AGI or Alliance Global and Genting Hong Kong. The only "participation" of PAGCOR is to monitor and regulate the operations of any privatized casino to ensure that it complies with its rules and regulations.

    BIR ang magbebenefit nito through taxes. dumb ass.

Leave a Reply

Your email address will not be published.