Manny Pacquiao, 2 beses pinabagsak si Timothy Bradley para makuha ang ‘unanimous decision’

Manny Pacquiao and Jinkee Pacquiao

Manny Pacquiao and Jinkee Pacquiao

Dalawang beses pinatikim ni Manny Pacquiao ang bagsik ng kanyang kamao na nagpabagsak sa kanyang kalaban sa boxing ring para masungkit ang panalo sa kanilang sagupaan kaninang umaga, Linggo, April 10 (Sabado ng gabi sa Amerika, April 9) na ginanap sa MGM Grand Arena sa Las Vegas Nevada.

Sa sinasabi ni Pacquiao na huling laban na niya sa boxing ring, mabagal ang simula ng Pambansang Kamao, pero sa huling hati ng kanilang 12-round bout, pumik-ap na si Pacquiao, kung saan pinabagsak ng kanyang kamao sa 7th at 9th round si Bradley.

Natapos ang laban kung saan lahat ng tatlong judge ay nagbigay ng score na 116-110, pabor kay Pacquiao.

Pinangatawan din ni Pacquiao ang nauna na niyang sinabi na magreretiro na siya pagkatapos ng kanilang laban ni Bradley. Sabi niya sa kanyang post-fight interview, “As of now, I’m retired.”

“I want to go home to my family and serve the people,”dagdag pa ni Pacquiao.

By Parazzi Boy

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.