Manny Pacquiao’s game show gets more viewership than Willie Revillame’s?

ITINANGGI NI MANNY Pacquiao ang balitang dinis-approve siya ng Manila Polo Club nang siya ay magtangkang magpa-member sa nasabing grupo ng mga mayayamang elitista.

“Hindi totoo ang balitang iyan. Hindi naman ako nag-aaplay, bakit naman ako madi-disapprove,” sabi ni Manny nang makausap namin ito sa award-giving ng Habitat na ginawa sa Ayala Museum.

Tatlong ektarya at posibleng madagdagan pa ang lawak ng lupaing nakatakdang ipamahagi ni Manny sa kanyang mga kababayan sa Saranggani.

“Marami akong lupain na ipa-mimigay sa mga kababayan nating walang mga bahay. Masarap kasi ang pakiramdam na nakakatulong ako sa marami nating kababayan at iyon talaga ang pangarap ko sa kanila, ang mabigyan sila ng maganda at maayos na bahay.”

Sa kabilang banda, pinagtawanan lang ni Manny ang balitang naghihirap na siya, dahil sa milyong itinatapon niya sa sabong. “May naghihirap bang mamimigay ng bahay?” Sabay halakhak ng Pambansang Kamao.

Ayon pa kay Manny, hindi raw madaling ubusin ang yaman na kung anong meron siya ngayon. “Siguro kung wala na akong pera ay hindi ko maiisipang tumulong at mamigay ng aking lupain sa ating mga kababayan.

Isa pa rin sa nilinaw ni Manny ay ang tungkol sa lagi siyang absent sa Kongreso. “Natural hindi ako makaka-attend kapag may laban ako, pero kung wala namang da-hilan, eh, nag-a-attend ako.”

Ayon pa rin kay Manny, kaya natutuon ang pansin ng ibang tao sa kanya ay dahil siya ang higit na kilalang congressman. “Marami naman diyan ang absent nang absent, pero hindi nila napupuna, kasi nga hindi sila napapansin tulad ko.”

Sa kabuuan, sinabi ni Manny na bukod sa libreng pabahay para sa mga kababayan niyang taga-GenSan at taga-Saranggani, marami rin daw siyang tutulungan at ang bago niyang programa sa Siyete.

“Ayoko ng intriga. Ayoko ng gulo. Ayokong sabihing mas maganda ang show ko at ‘yung ibang show ay hindi. Basta para sa akin, kung sino ang makakatulong, mas maganda para sa marami nating kababayan.”

Usap-usapan kasi na mas pinapanood na raw ngayon ang Manny Many Prizes ng Siyete, kumpara sa Will Time Bigtime ni Willie Revillame.

Sa kabilang banda, nakakatuwa naman si Karen Davila. first time naming makasama sa isang interview si Karen, pero nakakatuwa siya sa Habitat, dahil matapos naming kausapin si Manny Pacquiao, asikaso niya to death ang media. At para sa iyo Ms. Davila, mabuhay ka!

 

BONGGA AT NAPA-KARAMING tao at artista ang dumating sa birthday party ni Ms. Cristy Fermin na ginawa sa Zirkoh kamakailan. Saksi ang Pinoy Parazzi sa pagdating nina Sen. Bong Revilla at Lani Mercado, Anjo Yllana, Toni Gonzaga, Rayver Cruz, Tirso Cruz III, Erik Santos, Nadine Samonte, Angel Locsin at marami pang iba.

Sa nasabing okas-yon, nakausap natin si Ai-Ai delas Alas. Ayon kay Ai-Ai, hindi pa sila nagsisimulang mag-shooting ni Vic Sotto para sa pelikulang pagsasamahan nila sa darating na Metro Manila Film Festival. “Wala pa, hindi pa kami nagsi-shoot. Pero baka next week, mag-start na, kaya wala pa akong maikukuwento sa inyo tungkol sa movie namin.

Ayon kay Ai-Ai, dati ay magkalaban sila ni Vic sa Metro Manila Film Festival. Pero ngayon, magkakampi na sila. “Para maiba naman. Parang mas maganda naman ‘yung magkasama kami.

May nagtanong kay Ai-Ai kung ano ang pakiramdam niya ngayong hindi niya makakasama si Eugene Domingo sa MMFF? “’Yun ang akala ninyo. Hindi ko makakasama si Eugene? ‘Yun ang akala n’yo!” Dalawang ulit na sabi ng aktres at sinabayan nang masayang halakhak.

Noon ay si Pokwang, sumunod si Eugene, at ngayon ay si Vice Ganda na raw ang bagong Comedy Queen. “Ganu’n talaga ang buhay, kung sino ang sikat ngayon, siya ang sinasabing bagong Queen or King, basta nandito lang ako, work lang nang work at wala namang problema sa akin kahit sino pa ang sabihing kapalit ko as long as may raket ako, masaya ako nu’n.” Pag-wawakas ni Ai-Ai delas Alas sa Pinoy Parazzi.

 

More Luck
by Morly Alinio

loading...

15 thoughts on “Manny Pacquiao’s game show gets more viewership than Willie Revillame’s?

  1. Si Manny at Willie are good friends kaya walang problema kay willie ang bagong programa ni Manny kasi MAY BALAK SI MANNY KUMANDIDATO SA PAG KA PRESIDENTE.kaya iikot siya sa buong Pinas para mamigay ng tulong. okay? binanggit niya one time sa interview.

  2. may magkumare dito ahh..anyway, sikat talaga si manny kahit sa abroad..ganda talaga nung nba all stars vs. pba all stars and smart gilas ..sarap manood ng basketball..da best

  3. @ maria, yup, napanood ko ang mga featured houses ng mga artista. Yung kay pokwang di ako masyadong na-impress kasi masyadong matarik. Nakakatakot pag lumindol ng malakas sa pinas. :-)

  4. Nabasa ko rin sa pep.com na ang pamagat ng article ay “NBA Superstar Kobe Bryant greets Manny Pacquiao at courtside” na sinulat ni Demai Sunio-Granali today, 7/25/11 na ipinakita daw yong mukha ni Willie sa wide screen ng Big Dome at may nag-boooo daw kay Willie. Does this mean na
    wala na talagang respeto ang mga tao kay Willie maski namimigay ito ng pera sa mga Loloa?

  5. @kahlua of San Fran., agree ako sa yo, hindi rin ako nagcomment kung maraming bastusan ang nag comment . Kahlua nakita mo yong show na Kris TV? Ang ganda ng mga bahay sa mga artista. Gusto ko na tuloy bumili ng condo sa Manila. Mahal ba yon? Gawin ko rin yong headboard sa bahay ni Pokwang. Gawin ko rin yon sa Master’s bedroom namin dito. Ang linis ng bahay ni Angel no? at very organized. Gusto ko ang bahay ni Pokwang kasi parang may view, parang view lot yon. Yong mga condo rin ni Kris, ganda ng mga view, sa Makati ba yon?

  6. @rr12, oo nga no? Tama ka, kung aawayin nga ni Willie si Manny, para na ring inaaway ni Willie ang millions of fans ni Manny. At totoo naman talaga na si Manny very powerful na personality. Hindi kaya ni Willie.

  7. Hindi kayang takutin ni Willie si Manny kasi natatakot sya kay Manny! hindi nya kayang awayin ang mas mayaman sa kanya. Sina John Estrada at Randy lang ang kaya nya! Hindi nga tinapatan nila John ang timeslot ni Willie pero todo birada tong si Willie. E eto magkatapat ang timeslot nila ni Manny. Tikom ang bibig! ampf! Ngayon, wala ka na magagawa  kung malaos ka na talaga ng tuluyan. Sorry TV5,…. ABS-CBN at GMA7 lang naman talaga ang nagpupukpukan sa ratings. Goodbye TV5.

  8. SIGE MANNY, PABAGSAKIN MO ANG SHOW NI WILLIE, SABI KO SAYO KAHIT KAPAMILYA AKO, PANONOORIN KO SHOW MO!!! TUWA KO LANG PAG BUMAGSAK SHOW NG HAMBOG NA YAN!!!!

  9. haha! you have a good memory Maria. I’m just lurking most of the time. Pag nakita ko na ganun pa rin ang mga topics nila, naililipat ko na lang ng domain. Saka nakaka-upset lang pag pulos kabastusan ang nababasa mo. :-)

  10. @maria: malamang tama ka rin. Saka isa pa kaya ayaw niyang banggain, dahil marami siyang makakabanggang “ordinary” citizens..mga fans ni Manny..from all ranks in society kapag tinira niya si Manny. Manny is a big name in the Philippines..hindi lang sa Pilipinas but sa buong mundo. Tirahin ni Willie ito..para na rin siyang nag harakiri! Malamang kaya marami ring nanunuod ng show ni Manny kasi, humble siya.isa pa may added bonus ang mga taong nanunudo, they get a chance to win prices, they get to see pa their idol..a real true life idol!

  11. Ayyyy, ikaw pala, sabi ko sa sarili ko, nasaan naba si Sun, na miss kita, at si exile din. Nawala na yata. thanks for reminding me.

  12. korek ka dyan maria… pag alam ni willie na kayang-kaya niya ang isang tao, umasa ka na magiging kawawa ito sa kanya.

  13. Bakit hindi nag ingay itong si Willie sa pagka game show host ni Manny sa Manny Many Prizes tulad noong ginawa ni Willie noon kay John Estrada at Randy Santiago sa Happi Yippe Yehey? Is it safe to say na kayang kaya lang kasing banggain ni Willie amg dalawang ito kasi wala silang pera and hindi ito mga milyonaryo or bilyonaryo? Just curious!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.