Premiere Shots: Manny and Marian, Show Me The Manny!

Ang Pambansang Kamao at Queen of Primetime sa isang gag show. Imposible ba? Posible!

Nag-umpisa na nga ang bagong sitcom ng Kapuso network na Show Me The Manny. Pinangungunahan ito nina Manny Pacquiao at Marian Rivera. Alam naman natin lahat na kahit pa mas kilala sila sa larangan ng boksing at pag-arte, yakang-yaka din nilang magpatawa ng madla.

Gusto nyo ng panalong sampol? Narito ang ilan sa mga kulit shots nina Manny at Marian sa presscon ng bago nilang project. Ito na kaya ang hudyat ng pagbuhay muli sa comedy shows ng GMA-7? Show me the ratings, show me the manny!

By Mica Rodriguez, Photos By Allan Sancon

Click to enlarge.

Previous articleParazzi Chikka: Mart Escudero at Jennica Garcia, nagkabalikan?!
Next articlePinoy Parazzi Vol. II Issue #134

No posts to display