Manny’s War: The Battle of East and West

Windang ang viewing public nang i-anunsyo ni People’s Champ Manny Pacquiao ang paglipat niya ng istasyon. Mula sa GMA7, go siya sa ABS CBN kung saan gusto niya raw ipalabas ang kanyang nalalapit na laban sa pride ng Manchester na si Ricky “Hitman” Hatton.

Matapos magkarambola ang mga abogado ng kabi-kabilang panig, legal at binding raw ang kontratang pinirmahan ni Pacquiao sa Solar Sports na media partner naman ng GMA7 kaya napilitang bumalik ang Champ sa Kapuso station.

Nagawang iwasan ni Pacman ang stress na dala ng kontrobersiya. Sa katunayan, super-practice ang Pinoy na world’s pound for pound fighter para tiyaking magiging proud na naman ang sambayanang Pilipino sa kanya. Samantala, gigil na gigil naman si Hatton nang sabihin ni Team Pacquiao’s coach Freddie Roach na kayang tapusin ni Pacman ang laban sa loob ng tatlong rounds. Na-insulto raw ng todo si Hatton kaya gagawin niya ang lahat para patumbahin ang pride ng Pinoy.

Kaya’t sa tinaguriang Battle of East and West at ‘most exciting fight’ngayong taon, abangan kung sino ang sisikatan at lulubugan ng araw.

By Mayin de los Santos
Photos by Marvin Candaba, Luz Candaba, Mark Atienza and Parazzi Doon

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

One thought on “Manny’s War: The Battle of East and West

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #54

Leave a Reply

Your email address will not be published.