Manliligaw ng Dalaga, Inutas ng Karibal

PATAY ANG isang lalaki matapos na pagsasaksakin ng karibal sa panliligaw sa isang dalaga sa may bahagi ng Barangay Pulo Dacu, sa bayan ng Mandaon sa Masbate.

Lumalabas sa pagsisiyasat, habang papauwi ang biktima na kinilalang si Antonio Bandoquillo, 22, mula sa kanyang panliligaw, ay bigla na lang itong hinarang ng galit na galit na salarin na si Arlan Villaruel.

Sinasabing ang matin-ding selos ang nagbunsod sa salarin kaya inundayan nito ng saksak si Bandoquillo na agad na binawian ng buhay dala ng mara-ming saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Samantala, patuloy na pinaghahanap ang salarin na agad na tumakas matapos ang ginawang krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.