Manila Water, Bawas-Singil Mula Hulyo

HINDI MAGTATAAS kundi magbababa pa ng singil sa tubig ang water concessionaire na Manila Water simula Hulyo 3.

Ito ay taliwas sa ipatutupad ng Maynilad na may P0.17 dagdag-singil sa kada cubic meter o P0.39 hanggang P100 na epekto sa bill ng konsyumer.

Ayon kay Jeric Sevilla ng Corporate Communication ng Manila Water, ang bawas-singil ay dulot ng foreign currency differential adjustment nitong kwarter.

Ang FCDA aniya ay hindi lamang sa paggalaw ng piso kontra dolyar kundi maging sa iba pang currency tulad ng Japanese yen at Euro. Kinukalkula aniya ito bawat kwarter.

Sinabi ni Sevilla na ang mga komukonsumo ng 20 cubic meters na nagbabayad ng P301.90 ay mababawasan ng P5, habang ang mga consumer na may 30 cubic meters na konsumo na katumbas ng P615 ay bababa naman ng P10.

Sa kabilang dako, may inihain ding rate rebating adjustment ang Manila Water sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ngunit hinihintay pa nila aniya ang tugon dito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.