Manila City Hall, Binulabog ng Bomb Threat

BINULABOG NG bomb threat ang Manila City Hall kamakailan.

Sinabi ni Senior Supt. Gilbert Cruz, chief-of-staff ng Manila Police District (MPD) na pinalabas muna nila pansamantala ang mga empleyado ng city hall.

Pero sa ginawang pag-iikot ng MPD bomb squad, naging negatibo sa anumang uri ng pampasabog ang lnaturang lugar.

Lumalabas sa ulat, isang dating administrative aid ng Office of the City Prosecutor na si Luningning Luziriaga ang nagtungo sa detachment office para ipaalam na nakatanggap siya ng bomb threat sa text.

Ngunit sinabi naman ni Malou Rugayan, public information office ng city hall, noong Agosto 8 pa pala natanggap ng naturang dating empleyado ang text ngunit ngayon lang niya ipinagbigay-alam.

Nabatid ding naka-absent without official leave (AWOL) si Luziriaga.

Samantala, hindi naman alam ng pamunuan ng city hall kung ano ang motibo ng dating empleyado.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.