Manikurista, Natagpuang Patay sa Loob ng bahay

NATAGPUANG PATAY ang isang manikurista ng kanyang kaibigan sa loob ng inuupahang bahay ng una sa Caloocan City Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Arnold Malonzo, 48, ng North Diversion Road ng lungsod.

Sa pahayag ng saksing si Jesus Tolentino, 61,  alas-2:30 ng hapon, tinatawag niya ang biktima subalit hindi sumasagot na naging dahilan upang silipin ng una ang loob ng bahay ni Malonzo.

Nakita ng saksi ang kaibigan na nakahiga patagilid at hindi na gumagalaw na naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga barangay tanod.

Sapilitan binuksan ang pinto ng biktima at nalaman na patay na kung kaya itinawag sa mga pulis.

Wala naman nakitang palatandaan pinatay ang biktima subalit may dugo ito sa bibig kung saan inaalam na ang dahilan ng pagkamatay ni Malonzo.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.