Manhunt vs Israeli ng smuggled cars sa Cebu, pinaigting

CEBU CITY – MILYUN-MILYONG halaga ng smuggled na sasakyan ang nasabat ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-7 sa isang warehouse sa J. Deveyra St., North Reclamation area sa Cebu City.

Aabot sa 13 right-handed vehicles ang narekober ng pulisya gaya ng Big Horn, Honda Civic, Pajero, SUV, Suzuki at Toyota na nagmula pa sa Japan.

Ayon kay Sr. Insp. Ricky Neron, hepe ng Metro Cebu-CIDG, puntirya umano ng kanilang operasyon ang mga pinaghihinalaang may-ari ng mga saksakyan na sina Shakil Hussien, Jing Masa, Mr. Saeng at isang nagngangalang Sonny na pawang mga Israeli natio-nals.

Bitbit ang search warrant na inisyu ni Judge Enriqueta Belarmino sa Regional Trial Court Branch 57, ay sinuyod ng mga operatiba ang nasabing lugar. Bigo namang madatnan ng mga pulis ang mga may-ari ng sasakyan. Ayon pa rin sa pulisya, nakikipagtulu-ngan na sila ngayon sa tanggapan ng Highway Patrol Group para isailalim sa macro hitching ang mga sasakyan na narekober.

Mas pinaigting ngayon ang kampanya ng mga awtoridad laban sa mga smuggled vehicles alinsunod na rin sa utos ng kanilang punong tanggapan.

Kamakailan lamang ay nakumpiska rin ang ilang mga smuggled cars sa Cagayan de Oro at Bukidnon na humantong sa Congressional inquiry.  (Pinoy Parazzi Reportorial Team)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.