Mangingisda, Tinaga ng Kalugar

KRITIKAL ANG isang mangingisda matapos tagain ng kalugar habang ang una ay naglalakad papauwi galing sa barangay matapos pag-ayusin ang naging away ng una at huli sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sanhi ng taga sa noo sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Roberto Vargas, 32 ng Casenas St., Tangos ng lungsod.

Pinaghahanap naman ang suspek na nakilala lang sa alyas na Dong De Leon.

Batay sa ulat, alas-11 ng gabi, naglalakad ang biktima malapit sa kanilang bahay nang salubungin ng taga ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa JRMMC.

Nabatid na bago ang insidente ay pinatawag ang biktima at suspek sa kanilang barangay hall upang pag-ayusin sa naging alitan na hindi na nabatid ang dahilan.

Naunang lumabas ang suspek at makalipas ang ilang sandali ay sumunod ang biktima subalit inabangan na pala ito ng una at nang makita ay walang salitang tinaga.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.