Mangingisda, Tinadtad ng Bala ng 3, Tigok

TIGOK ANG isang mangingisda matapos bistayin ng mga bala ng tatlong hindi pa kilalang mga suspek na nakasando ng dilaw sa harap ng botika sa Navotas kamakalawa ng hapon.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Jayson Ramirez, 28 ng Nadela St., Tangos ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon, nakatayo ang biktima sa tapat ng Mariel Angelie Drug Store sa B. Cruz St., Tangos ng lungsod nang lapitan at tadtarin ng bala ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino ang mga una at ang motibo sa pamamaril.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.