Mangingisda, Tinadtad Habang Natutulog

TODAS ANG isang mangingisda matapos pasukin at pagsasaksakin habang ang una ay natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Navotas kahapon ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng mga saksak sa katawan si Elmer Garcia, 27 ng North Bay Boulevard North ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas Taning at isang hindi pa kilalang kasama.

Sa ulat, alas-2 ng umaga, natutulog ang biktima sa loob ng kanilang bahay nang pasukin at pagtulungan pagsasaksakin ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang inaalam na ng mga pulis ang dahilan ng pananaksak.

(MARY H. SAPICO) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.