Mangingisda, timbog sa baril at bala

MALOLOS CITY – DAHIL sa kawalan ng sapat na dokumento, arestado ang isang mangingisda sa pag-iingat nito ng iba’t ibang uri ng baril at mga bala sa Brgy. Panasahan sa lungsod na ito kamakalawa ng umaga.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Dave Poklay kay PNP provincial director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala  ang nadakip na suspek na si Reynaldo TolentinoY Iñiguez, 58 anyos,mangingisda at residente ng Sitio Tawiran sa nabangit na lugar.

Base sa  inisyal na im-bestigasyon ni PO1 Chris Ramiscal, dakong alas-10:30 ng umaga, kasalukuyang nagsasagawa ng census ang ng 70 IB ng Philippine Army at Cafgu sa bahay ng suspek, kung saan nakita sa tahanan nito ang iba’t ibang uri ng baril.

Nakumpiska mula sa kanya ang isang rifle ng cal. 22, isang  cal. 45 at isang air gun at iba’t ibang uri ng bala.

Samantala detenido ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa PD 1866 at Illegal Possesion of Firearms and Ammunitions.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.