Mangingisda, Pinaulanan ng Tingga

NAGPAPATULOY ANG pagsisiyasat kung biktima ng mistaken identity ang pagpaslang sa isang mangingis-da sa Camarines Sur.

Sa ulat, pinagbabaril ng hindi nakikilalang lalaki si Jojit Villamor y Lazado sa kanyang sariling bahay bandang alas-10 ng gabi.

Sinabi ni Insp. Nabol ng Caramoan Municipal Police Station, nagpapahinga lamang ang biktima sa tapat ng kanilang bahay ng bigla itong lapitan ng hindi pa nakikilalang suspek at pagbabarilin hanggang sa mapatay.

Limang bala ang tumama sa katawan ni Villamor na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Nakuha sa crime scene ang mga basyo ng bala mula sa calibre .45 baril.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.