Mangingisda, Patay sa Nagtangkang Magpakamatay

PATAY ANG isang ma-ngingisda matapos ma-damay sa tangkang pagpapakamatay ng isang lalaki nang tumalon ito sa Mandaue-Mactan Brigde, Cebu City kamakailan.

Patuloy pa ring kinikilala ang biktima habang ang lalaking tumalon sa tulay ay si Anyano Bertin, 30.

Base sa report, nang tumalon si Bertin ay aksidenteng tumama ang kanyang katawan sa biktima na nagkataong namamana ng isda sa ilalim ng tulay.

Sinasabing wala sa tamang kaisipan si Bertin.

Samantala, nakapiit na ang suspek sa Station 3 ng Mandaue police station, samantalang patuloy pa ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa insidente. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.