Mangingisda, Patay sa Ganti ng Kaaway

 

PATAY ANG MANGINGISDA na may kasong Murder matapos pagbabarilin ng apat na ‘di pa nakikilalang kalalakihan na pawang armado ng mataaas na kalibre ng baril kamakalawa ng madaling-araw sa Malabon City.

Binawian ng buhay sa pinangyarihan ng krimen sanhi ng mga tama ng baril sa katawan ang biktimang si Gervie Rama, alyas ‘Tata Rama’, 23, binata, ng Phase 1, Gozon Complex, Letre, Tonsuya, Malabon City.

Isang follow-up investigation naman ang isinasagawa ng pulisya sa agarang pagkakakilanlan sa mga suspek na mabilis na tumakas dala ang ginamit na .45 cal. at 9mm pistol sa pagpatay sa biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1 ng madaling-araw, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng P. Aquino Ave. nang lapitan siya ng dalawa sa mga suspek.

Habang hindi naman kalayuan sa kinaroroonan ng biktima, dalawa pa sa mga suspek ang nagsilbing lookout.

Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng paghihiganti ang motibo sa krimen dahil sa kaso umanong Murder na kinakaharap ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.