Mangingisda, Patay sa Butete

PATAY ANG isang mangingisda makaraang malason sa kinaing Butete na ginawang pulutan sa Brgy. Napti, Batan, Aklan.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Aklan Provincial Hospital ang biktimang si Antonio dela Cruz, 54, residente ng nasabing lugar.

Nabatid na nakipag-inuman ang biktima sa isa pang kasamahang mangingisda at ginawang pulutan ang nahuling dalawang kilo ng Butete.

Nakatulog pa umano ang biktima subalit sa kanyang paggising ay nakaramdam ito ng matinding sakit ng tiyan, nagsusuka at hirap sa paghinga.

Dahil sa pangyayari, kaagad siyang dinala sa ospital pero binawian din ng buhay makaraan ang ilang oras.

Samantala, muling nagpalabas ng babala ang naturang pagamutan kaugnay sa pagkain ng mga hindi pangkaraniwang isda katulad ng Butete na maaaring makamatay bunsod ng taglay nitong toxins kung hindi matatanggal ang mga bahagi nito na may lason.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.