Mangingisda, Natagpuang Patay sa Sariling Bangka

NATAGPUANG WALA nang buhay at tadtad ng tama ng bala sa katawan ang isang mangingisda sa kanyang mismong bangka habang palutang-lutang sa karagatang bahagi ng munisipyo ng Payao sa Zamboanga Sibugay.

Base sa report ng Police Regional Office (PR0-9), Bandang alas-7:00 ng umaga nang mapansin ng nagpapatrolyang tropa ng 16th Special Forces (SF) Company ng Philippine Army (PA) sa pangunguna ni S/Sgt. Vicente Taguinod ang bangka ng biktima.

Matapos madiskubre ang bangkay ng biktima ay kaagad itong dinala sa daungan ng munisipyo ng Talusan sa naturang lalawigan.

Sa tulong mga mga kaanak, nakilala ang biktima na si Bobby Ebalsabar.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng Talusan municipal police station, nagpaalam ng biktima sa kanyang pamilya para mangisda.

Samantala, napag-a-laman na lumabas umano sa territorial jurisdiction ng Payao ang biktima na posibleng ikinagalit ng ibang mga mangingisda na taga-ibang bayan kaya siya pinagbabaril.

Sa ngayon, iniim-bestigahan pa rin ng mga kinauukulan ang naturang pangyayari para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.