Mangingisda, kritikal sa siga

KRITIKAL ANG ISANG mangingisda matapos pagtripang saksakin ng siga habang ang una ay naglalakad sa Navotas kahapon ng umaga.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Mark del Mundo, 25, ng Leongson St., San Roque ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas ‘Siga’.

Batay sa ulat, ala-1 ng umaga, naglalakad sa Leongson Street ang biktima nang lapitan at pagsasaksakin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa TMC ang biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.