Mangingisda, Kritikal sa Ipinagdamot na Lambat

KRITIKAL ANG isang mangingisda matapos pagsasaksakin ng kalugar na hindi napahiram ng lambat sa Navotas kamakalawa ng hapon.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si PJ Garciano, 29, ng Rodriguez St., Tanza ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Buknoy Cayas, nasa hustong gulang at kapit-bahay ng biktima.

Sa ulat, alas-5:10 ng hapon, nakaupo sa bato malapit sa kanilang bahay ang biktima nang mula sa likod ay pinagsaksak ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa TMC.

Lumalabas na bago ang insidente ay nagtalo ang biktima at suspek matapos hindi napahiram ng lambat ng una ang huli.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.