Mangingisda, Inatado ng Kaaway

KRITIKAL SA PAGAMUTAN ang isang mangingisda makaraang saksakin ito ng kanyang kaaway habang ang una ay naglalakad kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Naka-confine ngayon sa Tondo General Hospital sanhi ng tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Victor Javier, 27, may-asawa, ng Dulong St., Brgy. Tangos, Navotas City.

Isang follow-up investigation naman ang isinasagawa ng Navotas Police para sa agarang ikadarakip at tunay na pagkakakilanlan sa suspek na nakilala lamang sa alyas Joseph, kalugar ng biktima na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1 ng madaling-araw, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Dulong St., pauwi sa kanilang bahay nang bigla na lamang lumutang ang suspek na armado ng patalim.

Dito, walang sabi-sabing magkakasunod na inundayan ng saksak si Javier ng suspek saka tumakas dala ang ginamit na patalim.

Agad namang dinala sa nasabing pagamutan ang biktima ng kanyang live-in partner na si Mayang upang lapatan ng lunas ang mga tinamo nitong sugat.

Sa inisyal na im-bestigasyon, paghihiganti umano ang motibo ng suspek sa naturang insidente. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.